14

28 3 0
                                    

Patricia

Tumango ako kay Kuya Gavin saka ko siya kinawayan ng bahagya. Hindi na maalis ang maliit na ngiting nakapaskil sa mukha ko dahil sa naging pag-uusap namin. Tama si Lie Jun. Ito nga ang kailangan namin. Kung hindi siguro nito ginawa ang bagay na ito, hindi pa rin kami ayos ni Kuya Gavin.

Lahat ng hinanakit ko, sinabi ko sa kaniya habang magkausap kami. Humingi siya ng tawad sa pagiging manhid niya pero hindi ko siya sinisi. Mas sinisi ko ang sarili ko dahil ako ang sumira ng kung ano man ang mayroon kami. Hindi niya naman kasalanan na napamahal ako sa kaniya – hindi niya kasalanan na hindi niya kayang ibigay ang gusto ko.

Pagkababa ko ay bumalik ako sa room namin para tapusin na ang onesie ni Lie Jun. Sobrang laki ng tulong na ibinigay niya sa akin kaya gusto ko nang matapos ito para ito ang maging way ko ng pasasalamat. Hindi ko alam kung bakit niya gusto ito kahit napaka-childish nito pero hindi na importante iyon. Ang mahalaga, maibibigay ko na ang gusto niya.

Inabot ako ng gabi sa pananahi at itinodo ko na ang oras ko para lang magawa ito since matatapos naman na ito. Nang pumatak na ng 7PM, saka pa lang ako umuwi. Ilang text at tawag na nga ang natanggap ko sa pamilya ko pati na kina Kuya Gavin at Lie Jun kaya para matahimik sila, nag-mass text na lang ako, saying na may tinapos ako.

As expected, pinagsabihan ako ni Papa dahil pinag-alala ko raw sila ni Mama. Humingi naman ako ng tawad at para mapahupa ang galit nila, ayoko man, nagsinungaling ako. Sinabi ko na inasikaso ko lang ang pagkakatanggap ko bilang scholar kahit na ang totoo ay nanahi ako.

Iyak nang iyak si Mama dahil sa tuwa tapos pati sina Kuya Billy, Kuya Kendrick at Papa ay sobrang saya rin. Malaking tulong raw ang ginawa ko para sa kanila and I couldn't be more than proud of myself. Makakapag-ipon pa raw lalo sila para sa kotse namin. Napagpasyahan nilang maghanda sa Linggo nang makapag-celebrate kaya pumayag na lang ako para lang makaakyat na. Excited na kasi akong maibigay kay Lie Jun ang onesie.

Pagkatapos ko magbihis, bitbit ang paper bag, bumaba na ako't nagpaalam na pupuntahan ko lang ang kapitbahay namin. Pagkarating ko sa harap ng pintuan ay kumatok ako. Ilang sandali lang nang buksan ito ng nakamaskarang Chinese.

"Ta-da!" Itinaas ko ang hawak ko saka ko ito itinapat sa mukha niya. "For you!"

"You're in a good mood." Ngumisi siya saka tinanggap ang paper bag. "What's this?"

"Buksan mo kaya."

Nagkibit-balikat siya saka kinuha sa loob ng bag ang onesie. Ibinalik niya sa akin iyong bag para matignang maigi ang regalo ko tapos itinaas niya ito't tinignan ang kabuuan. "Para sa akin?!"

"Yep. Sabi mo kasi gusto mo rin, hindi ba?" Tumango siya saka ako tinalikuran. Iniwan niyang bukas ang pintuan kaya I took it as a sign na pinasusunod niya ako. Hinubad ko muna ang tsinelas ko bago ako tuluyang pumasok. Naupo siya sa sofa at ako naman, isinara ang pintuan. "Alam mo, nanghinayang ako bigla duon sa onesie na sinunog natin."

"Bakit naman? Ayos na ba kayo?"

"Yeah. Nagkaayos na kami. And that's all thanks to you. I still like him pero nawala na iyong nagpapabigat sa dibdib ko kaya sa tingin, mabilis akong makakapag-move on."

"That's good. Ang bata niyo pa kasi para dumaan sa ganiyang drama." Tumayo siya saka hinubad ang maskara. "Can I try this on?"

"Go ahead." Patakbo siyang umakyat at pagkababa niya ay suot niya na iyong onesie at nakasuot rin ang hoodie nito. "Okay lang?" nakangiting tanong niya saka umikot sa harap ko.

Napatakip ako sa mukha ko kasi para siyang bata kung kumilos; ibang-iba sa tingin ko sa kaniya dati. But he's handsome and cute, I'll give him that. Nang maramdaman ko ang mahinang pagsipa niya sa paa ko ay inialis ko na ang pagkakatakip ng mga kamay ko sa mukha ko.

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now