19

30 3 0
                                    

Gavin

Mariin akong nakatingin kay Jun. Nasa tapat ng engineering building kaming apat nina Jun, Axel at Keera. Tamang tambay lang habang nakaupo sa damuhan. Tatlo kaming nakatingin lang rito habang paulit-ulit na pinupunit ang mga sinusulatan niyang papel. Sa sobrang dami ng napunit niya, nagmukha nang basurahan ang gilid niya.

Hindi ko alam kung bakit siya bad mood. Okay naman siya kaninang umaga pero nang i-message niya kami na magkita-kita after ng klase niya, napansin namin na masama ang timpla niya.

"Lie Jun?" nag-aalalang tinignan ni Keera ang kaibigan ko saka nito hinawakan ang tuhod nito.

Hindi siya nagpatinag at nanatili lang sa pagsusulat ng kung ano-ano sa pad paper na hawak. Pumilas siya rito saka nilukot at itinapon sa gilid niya. Napabuntong-hininga si Axel saka kumuha ng plastic sa bag niya. Nilikom niya ang mga papel na ikinakalat ng kaibigan namin.

Wala pa kaming naitatanong sa kaniya dahil nang maramdaman naming bad mood siya, hindi na kami nagtanong pa ni Axel at nakiramdam na lang. At itong si Keera? Hindi nakakatulong ang presensiya nito. Alam namin kung gaano kaayaw rito ni Jun dahil para itong aso na kapag nakikita ang kaibigan ko, bubuntot kaagad.

Kailan lang rin namin nalaman ang tungkol sa babaeng ito. Naging parte siya ng circle namin kahit hindi naman namin siya pinakiusapan maging kaibigan. Siyempre bilang respeto na lang kahit hindi nito nirerespeto ang katotohanang hindi siya trip ng kaibigan ko.

Hindi namin maintindihan ni Axel kung bakit itinago ni Jun sa amin itong babaeng ito. May nagawa sana kaming paraan para hindi ito nakakalapit sa kaniya ngayon. Kung hindi pa nga namin siya nakitang kinukulit nito, hindi pa niya ito ipapakilala sa amin.

Ang sabi niya, naging seatmate niya lang raw ito at nakiusap na i-text siya kapag sa lecture hall sila magkaklase tapos bigla raw sinabing interesado raw ito sa kaniya.

Hindi sa nababakla ako o ano pero hindi ko masisisi si Keera kung ma-attract man ito sa kaibigan ko. Sa totoo lang kasi, may itsura talaga ang kaibigan ko. Kahit noong highschool pa lang kami, marami nang nakamata rito pero dahil sa mga balitang umiikot at sa mga nakakakita kung gaano siya kagago noon, walang nagtangkang umamin sa kaniya.

May ilang nagpaparaan sa akin ng mensahe nila para sa kaibigan ko pero hindi ko ipinaparating dahil alam ko naman na babalewalain lang nito ang mga sasabihin ko. Kung mabait nga lang ito noon at nakikisalamuha, marami na siguro ito naging girlfriend o kaibigan.

What more pa nang magsimula siya mag-workout? Kahit ako nagulat nang malaman na nag-wo-workout na siya kasama si Patricia. Nakikita ko na rin ang katas ng paghihirap nila kaya minsan, naiinggit ako. Wala akong ka-abs abs at medyo lumulobo na ang tiyan ko dahil sa kakakain ko tapos itong kaibigan ko, gumuguhit na iyong abs.

Speaking of Patricia, it's good that she no longer likes me. Nanghihinayang kasi ako sa pagkakaibigan namin dahil hindi ko kayang ibalik ang nararamdaman nito. Sobrang nagsisi ako na naging manhid ako kasi hindi ko man lang nahalata na may gusto pala ito sa akin. Kung alam ko lang, nakausap ko na sana kaagad ito hangga't maaga pa at nasabihan na wala akong gusto rito.

Ang hirap kasi noong mga araw na iniiwasan namin ang isa't-isa dahil lang sa nararamdaman nito sa akin. Iyon ba na kahit gusto mong tulungan siya, hindi mo naman magawa kasi alam mong ikaw ang nag-ca-cause ng sakit na nararamdaman niya kaya ang magagawa mo lang para makatulong ay dumistansiya.

Naputol ang malalim na pag-iisip ko nang sikuhin ako ni Axel. Nailagay niya na pala sa gilid ni Jun ang plastic na hawak niya kanina pero tangina, parang wala pa rin sa sarili ang kaibigan namin dahil hindi pa rin nai-sho-shoot sa plastic iyong mga papel na nilulukot nito't itinatapon.

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now