44

37 3 0
                                    

Patricia

"Alam niyo, minsan, naiinis na talaga ako sa mga lalake." inis na sinabi ni Keera habang nakatutok sa cell phone niya.

"Ako, naiinis na sa iyo, eh. Ibaba mo nga muna iyang cell phone mo. Kumakain tayo." Napailing na lang ako dahil hindi niya ako pinakinggan at nanatili sa pagtingin ng kung ano sa screen ng hawak niya. "Isako niyo na nga ito tapos itapon niyo sa ilog." Tumawa ng mahina ang dalawa sa harap na sinabayan pa ng iling bago ipinagpatuloy ang pagkain.

"Kee, ibaba mo na muna iyang cell phone mo. Minsan na nga lang tayo magkasabay-sabay sa pagkain, nandiyan pa atensyon mo." ani Patch habang patuloy sa pagkain.

"Sino ba kasing hindi maiinis?" Itinaas niya iyong cell phone niya at ipinakita sa dalawa screen ng cell phone niya. "Pinost ko lang naman na sobrang hirap kapag may cramps pero itong ulul na ito, nag-comment."

"Hindi ko makita. Ano ba sabi?" tanong ko dahil nakaharap sa dalawa ang cell phone.

"Bakit raw kailangan ko pa i-my day." Saglit niya itong ipinakita sa akin bago nag-type ng comment rito. "Dahil putangina ka."

Hinampas ko siya ng mahina sa braso habang pinipigilan ang pagtawa ko dahil sa reply niya. "Iyang bunganga mo. Nasa harap tayo ng pagkain."

"Seriously. I miss the times when men would go to war and die."

"Alam mo, bawas-bawas mo pagmumura. Para kang tibo na laging sasabak sa gera."

"Ay. Wow." Tinawanan namin si Trista dahil sa biglaang pagsabat nito.

"Hindi naman ako ganito dati. When I was bata pa, I make sampal sampal my mouth after I say bad words but now, putangina."

Nagkuwento lang nang nagkuwento si Keera habang kumakain kami at nagpapasalamat naman ako dahil binitawan niya na ang cell phone niya. Hindi na kami nagugulat sa pinaggagagawa at pinagsasasabi ng babaeng ito kasi parang sa bawat oras na kasama namin siya, mas nakikita namin kung sino talaga siya.

She has this very strong character na lahat yata ng makakapagpainit ng ulo niya, babanggain niya. We love how honest she is. Kung hindi nga lang niya naging crush noon ang boyfriend ko, malamang sa malamang ay nag-click kaagad kami nito.

Minsan ay sinasaway namin ito dahil nasa cafeteria kami. Kung ano-ano na kasi ang ikinukwento niyang medyo R18 at ang nakakaloka lang, umaarte na parang nasusuka si Trista dahil tungkol sa pagiging fujoshi niya ang ikinukwento niya. To justify her love for BL, ipinakita niya sa amin iyong gallery niya na puro picture ng lalakeng nakahubad, naghahalikan at nag-se-sex. At dahil nga kumakain kami, sinabihan ko siyang itago na muna dahil hindi kinakaya ng kaibigan namin ang mga nakikita.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa nang matapos kami sa pagkain. Bitbit ang mga gamit ko, dumiretso ako sa math club dahil naruon ang magaling kong boyfriend. Nagdala na rin ako ng mga sandwich at bottled water dahil nasabi nito sa akin na ilalaan nito ang lunch sa math club dahil may contest raw na isinali sila. Ayoko naman kasi na nagugutom siya habang nag-so-solve ng equations. Baka walang pumasok sa utak niya dahil sa gutom.

Habang naglalakad papunta sa club room nila, chine-check ko iyong sandwiches at nang makarating ako sa pintuan nitong nakasara, kumatok ako. Nakasara ang mga blinders sa bintana kaya hindi ko masilip kung anong nangyayari sa loob. Saglit lang rin nang pagbuksan ako ng ka-club niya at pinapasok.

"Hi." bati ko sa nagbukas ng pinto bago ko ibinaling ang atensyon sa lamesang nasa gitna ng room, kung saan nakaupo ang anim na ka-club niya pati na siya. Itinaas ko ng bahagya ang kamay ko saka ko siya kinawayan.

Nakangiting tumayo siya matapos itinulak paalis sa harap ng lamesa ang sarili. Nilapitan niya ako't tinignan ang mga hawak ko. "Napabisita ka?"

"Surprise visit. Baka gumagawa ka ng kalokohan, eh." matawa-tawang sinabi ko. "I bought sandwiches." Itinaas ko ang paperbag na naglalaman ng mga sandwich saka ito ibinigay sa kaniya.

The Guy Next Door (Completed)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें