30

35 4 0
                                    

Patricia

Hindi ako nakatulog ng maayos ng gabing iyon. Paulit-ulit pumapasok sa utak ko iyong ginawa namin ni Lie Jun sa loob ng aparador. Kahit anong pikit ko, nararamdaman ko iyong multo ng halik niya sa labi ko. Ultimo ang paglalaro ng dila niya sa loob ng bibig ko, ramdam ko habang nakapikit.

Halata sa kaniya na hindi siya marunong humalik pero ang kinagulat ko, para siyang sinapian ng kung sino dahil bigla siyang gumaling kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko't nagpatangay sa daloy ng mga nangyari.

Wala akong makapa na pagsisisi sa katawan ko. Sa totoo lang, hinahanap-hanap ko pa ito at hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit. Sumagi sa isip ko na nagkakagusto na ako sa kaniya kaya ganuon na lang ako karamot pagdating sa kaniya pero ayoko naman mag-jump sa conclusion dahil lang nagustuhan ko ang nangyari sa pagitan namin.

Sa mga nagdaang araw kasi simula noong umamin siya, tinitignan ko sa sarili ko kung may magagawa ba ako para mabailik ang dati naming samahan. Kaya lang, naging iritable lang ako't malungkot ng mga araw na iyon dahil kung hindi niya kasama si Kate, nakalingkis naman sa kaniya ang Keera na iyon.

Speaking of Keera, binantaan ako nito. Kahit alam ko naman dahil halata sa mga kilos niya, umamin ito sa akin na may gusto ito kay Lie Jun. Ang sabi niya, susuko na siya dahil kahit bilang kaibigan man lang, hindi pumayag ang kaibigan ko. Iyong banta niya? Sa oras raw na saktan o paiyakin ko ang kaibigan ko, hindi siya magdadalawang isip na saktan ako.

Hindi ko ma-gets kung bakit siya nagbabanta sa akin gayong alam naman siguro niya na wala akong gusto rito. Siguro out of jealousy or anger? I don't know.

Ang pinakamalaking pasabog na nangyari kahapon para sa akin ay iyong pag-de-declare ni Lie Jun na liligawan ako. Nasabi na kasi sa akin nina Kuya Gavin at Axel lahat ng napag-usapan nila nito kaya naisip ko, mag-mo-move on na ito dahil wala itong plano pumasok sa relasyon pero mali ako dahil sa bibig niya mismo nanggaling na liligawan niya ako.

Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin kaya pagkagising na pagkagising ko, pasimple akong sumilip sa bintana para i-check kung gising na ba siya. Palakad-lakad na sila ni Kuya Gavin sa kwarto at ang nagpainit ng mukha ko ay may nakadikit na papel sa bintana niya.

Good morning, Patricia.

Wala namang bago sa pagbati niya sa akin pero iyong sa ganiyang paraan niya gawin iyon at may drawing pa na ulo ng rabbit sa dulo ng pangalan ko? Imposibleng hindi kiligin ang makatanggap nito. Pero hindi ba siya nahihiya na ang hilig niya sa cute na mga ganiyang bagay? Lalakeng-lalake itsura niya pero softy siya.

Hindi ko itinaas ang blinds para isipin niyang hindi ko ito nakita. Nagmadali na lang ako sa pag-aayos at nang matapos, hindi na ako nag-almusal para makaalis kaagad. Hindi ko kasi kayang harapin siya at baka puntahan niya pa ako rito sa bahay para sumabay sa pagpasok.

Hingal na hingal kong ikinadena iyong bike. Binilisan ko kasi iyong pagpidal makaalis lang sa bahay nang hindi sila nakikita. At saktong pagka-lock sa kadena, nag-ring ang cell phone ko. Kinuha ko ito sa bag ko, only to find out na tumatawag si Lie Jun. Hindi ko ito sinagot at hinayaang mamatay ang tawag. Nang matapos ito sa pag-ri-ring, naka-receive ako ng message sa kaniya.

"Bakit nauna ka? Sabay sana tayo."

Nag-message muna ako kay Trista bago ko pinatay ang cell phone ko dahil sa takot na tumawag ang lalakeng iyon at hindi ko na naman alam ang gawin. Pumunta ako sa girl's dorm para hintayin ang kaibigan ko at ilang saglit lang nang dumating ito habang kasama ang girlfriend nitong si Patch.

"Good morning." bungad ko sa mga ito pagkatayo ko mula sa pagkakaupo sa bench.

"Good morning. Ay. Oo nga pala. Kahapon ka pa hinahanap sa akin ni Lance. Pagkauwi mo raw kasi, hindi ka niya ma-contact."

The Guy Next Door (Completed)Where stories live. Discover now