"Basted? Talaga? Ikaw, Dina? Si Daravin Cuenco nabasted? Sinong gagawa n'on sayo?"umawang ang labi ni Dandan.

Mayaman at kilala din si Dina sa Caligtan. Kasosyo ang magulang niya ang mga Demoure na nagpapatayo ng beach hotel and restaurant dito sa Caligtan. Bukod pa doon mga kilala sila na mga doctor ang buong angkan.

"Ewan ko sayo, Daniella Demoure."irap ni Dina."Walanghiya iyon si Mariano. At hindi ko gusto iyon please ayoko ng maalala."parang nandidiring sabi ni Dina.

Ngumuso na lang si Dandan at di na kumibot pa. Alam naman niyang matalak si Dina kapag badtrip ito at kung ano-ano ang nasasabi at nauungkat.

Pagkatapos ng break namin ay bumalik na din kami sa classroom halos lahat nandoon na maliban sa katabi ko.

Asan si Trek? Bakit ba hinahanap ko siya. Nagkibit-balikat ako at pumasok na sa loob at naupo na.

Dumating na ang teacher namin para sa next subject at kasama niya si Trek. Ito ang adviser teacher namin.

"Okay, class, hmm since malapit na ang intrams at alam niyo namang lahat iyon. Nagdesisyon ako na si Trek na ang gawin nating escort ng grade 9. Payag naman ang lahat ng grade 9."panimula ni teacher Lani.

"Ma'am, sino pong muse?"tumaas ang kamay ng isa kong kaklase at nagtanong.

"Ayon nga. Wala pa. Iyon ang pagbobotohan ninyo mamayang buong grade 9. Pero dito sa classroom natin hindi muna tayo maglelecture today at pag-uusapan kung sino ang mapipili nating muse at pagkatapos magkakaroon ng meeting ang buong grade 9 at pagbobotohan ulit ang mga napili ng bawat section na muse."she explained.

Mga slow motion naman na napa'Ahh' ang mga kaklase ko. I find it weird kaya napailing ako.

"Ma'am I nominate Victorina Auburn!"biglang nagtaas ng kamay si Dina. Hindi pa nga nagsisimula ay umentra na siya.

Minsan talaga kung sino pang kaibigan mo iyon pa ang manlalaglag sayo sa kalokohan.

Agad akong napangiwi at mula sa pagkakangalumbaba ay umayos ng upo.

"Oo nga, ma'am. Si Tori na!"segunda ng mga lalaking classmates ko.

Mas lalo akong napailing."Ayoko, ma'am!"tutol ko."Wala akong hilig sa ganyan!"dagdag ko pa.

"Ano ka ba, Tori! Pumayag kana! Tignan mo, oh."si Dina sabay turo kay Trek."May chemistry kayo ni Trek. Siguradong tayo na agad na grade 9 ang mananalo sa contest!"napapalakpak na sabi niya.

Sumang-ayon naman ang iba.

"Ayoko talaga."I shook my head."Iba na lang. Kung gusto mo ikaw na lang, Dina."I said.

Ngumisi siya."Pagbigyan mo na kami. Dati ka pa namin pinipilit sumali e pero ayaw mo naman. Atsaka hindi puwede. N'ong grade 7 tayo ako ang naging muse. Noong grade 8 naman si Dandan at ngayon dapat ikaw naman. Atsaka try mo lang pagbobotohan pa naman para sa finals e."

"Atsaka wala namang lalaban sayo dito,"si Gerald na mukhang sang-ayon din kay Dina. Nagpalinga-linga siya sa paligid."May gusto pa ba kayong maging muse ng section 2?"tanong niya sa mga kaklase namin

Agad na umiling ang lahat. Nakagat ko ang labi ko at mariing pumikit. Ano ba 'tong pinasok ko!

Sa room ng section 1 ginanap ang meeting para sa final voting ng muse at magiging partner ni Trek. Hanggang section 10 ang mga grade 9 kaya may sampung kandidata ang bawat classroom.

Pagkapasok ko palang doon ay agad naghiyawan ang mga section 1. Chinachant nila ang pangalan ko at hindi pa titigil kung hindi sinaway ng adviser nila. Ako naman hiyang-hiya na ko parang gusto ko na lang lumabas. Wala naman akong hilig sa ganito. Hindi ako bagay sa mga ganitong patimpalak.

"Tori, dito ka."tawag ng isang teacher saakin at tumabi ako kay Ran, section 1. Siya pala ang napili nilang maging muse. Maganda ito at halatang may kaya.

Nagsimula na ang botohan. At mga bumuto ay ang mga boys ng lahat ng grade 9.

Nagkagulo nga dahil ang iingay nila pero nasaway din naman.

"Okay. Ang may pinakamaraming boto ay si Francine..."ani ng isang teacher."...at si Victorina. Tie sila!"deklara nito.

Agad naghiyawan ang mga tao. Lalo na ang mga kaklase kong lalaki.

"Tori! Tori!"they chanted. Nangunguna si Gerald sa pagsigaw.

Palihim ko siyang sinaway pero di siya nagpatinag saakin at ngumisi lang.

"Ma'am, may isa pa pong hindi bumuboto."nakilala kong taga section 1 iyong nagsalita.

"Huh? Sino?"

"Si Trek po!"

Bigla akong napatingin sa gawi niya. Seryoso ang titig niya at wala sa sarili akong napalunok.

"O, ang escort natin! Trek, magvote kana para matapos na."komento ng ilan.

"Oo nga. Sino kaya? Parehas niyang naging kaklase ang dalawa."

"Mr. Stallix,"tawag ng teacher ko."Your vote will be the tie breaker. So which of them you're giving your vote?"

Mahabang katahimikan...

Bago siya nagsalita.

"I want..."he trailed off."...Victorina Auburn to be my muse."

Naghiyawan na ang mga kaklase ko at tuwang-tuwa sa desisyon ni Trek, ako naman ay laglag ang panga.

Si Francine naman ay parang disappoint.

Lumapit sakanya ang ibang mga section 1."Di ka pinili ng crush mo. Yaan mo na."rinig kong sabi ng mga lumapit sakanya.

She just sigh and nod her head tapos tumingin siya sa gawi ko kaya medyo nailang ako. Big deal yata sakanya ang naging voting para sa muse.

"Congrats and Goodluck!"she smiled. She looks nice. Akala ko magagalit siya pero iba ang nangyare.

Pagkatapos ng meeting na iyon ay final na. Ako ang magiging muse para sa grade 9. Kinakabahan ako. Gusto kong magback out pero agad akong pinagbantaan ni Dina.

Pag-uwi ko ay agad na sinabi ni Cristina kila mama na ako ang muse sa intrams namin. Nalaman niya iyon kay Dina kaya agad niyang kinwento kila mama.

"Talaga ba, Tori? Aba! Manunuod kami niyan kung ganon!"excited na sabi ni mama.

Dahil doon ay mukhang wala na nga akong magagawa.

Isang linggo pagkatapos ay nagpractice na kami ng lakad at ang mga set up sa gaganaping beauty pageant. Syempre by fair iyon.

Napanganga ako ng makitang ang kalaban namin sa grade 10 at grade 11 ay mga Stallix din. Tatlong Stallix ang maglalaban-laban. Napailing ako.

Ang gaganda din ng mga kapartner nila. Hindi tuloy ako sigurado kung kaya ko ba.

"Ate mo si Cristina?"maya pang sabi n'ong bakla namin na siyang trainor namin.

"Opo,"sagot ko.

"Kaya pala."tumango ito at bumalik na kami sa mga puwesto namin.

Kanya-kanyang practice din kami pagdating sa talent. Syempre partner-partner pa din iyon.

"Anong talent niyo?"tanong ni Teacher Lani.

"Ma'am, magaling kumanta iyang si Tori. Talented iyan!"singit ni Dina. Nanuod kasi sila ng practice.

"Dina!"saway ko.

"Ganoon ba! Edi magduduet na lang kayo ni Trek."suhestyon ni teacher Lani."Trek, kumakanta ka naman hindi ba?"baling niya ngayon kay Trek.

Tumango si Trek.

"Ayon naman pala. Wala ng magiging problema. Pero anong kakantahin niyo?"

Trek StallixDonde viven las historias. Descúbrelo ahora