Chapter 20: Contest

Start from the beginning
                                    

"Welcome." bored na sabi ko. Hays gutom na ako. Pero napansin ko lang nag-iisa lang si Kembert. Nasan naman kaya ang magaling niyang kaibigan? Aalis na muli sana ako kaso pinigilan niya ako.

"Hinahanap mo ba si Hendrix?"

Literal na napanganga ako sa sinabi nito. Agad akong umiling bilang pag-tanggi.

"At bakit ko naman hahanapin yun?"

"Umuwi yun sa kanila."

"H..Ha?" takang tanong ko.

"Kanina lang sinundo siya gamit ang isang mamahaling kotse. I'm sure pinatawag na naman si Hendrix ng tatay niya. Sana nga hindi siya mayari."

"Bakit naman siya mayayari?"

"Hindi mo ba alam? ang dami ng kaso ni Hendrix dito sa school," Kaso? "Magtaka ka pa ba? kung may ranking nga sa pinakamadaming may demerits nangunguna na don si Hendrix." seryosong pagsasalita nito.

Sabagay bully siya malamang maraming magrereklamo sa kaniya. Sino-sino pa kayang nabully niya? parang wala naman kasi akong nakikita na inaaway niya pa bukod sakin.

"Nakakapagtaka nga eh dahil lagi ko namang kasama yun. Pero halos araw-araw nadadagdagan ang demerits nito. Tingin ko tuloy may sumasabotahe talaga sa kaniya." iling-iling na sabi nito.

0_0

"Ah sige jasmine balitaan mo na lang ako ha kung isa sa mga kaibigan mo nakabunot sakin." agad akong napatango sa sinabi nito. "Sige babye!" nagmamadali itong nagtatakbo paalis sakin. Naiwan tuloy akong tulala at naguguluhan dahil sa mga pinagsasabi niya.

Yung kembert na yun, may pinagmanahan talaga. Kung ano-ano ang pinagsa-sabi.

"Tingin ko tuloy may sumasabotahe talaga sa kaniya."

Ano kayang ibig sabihin don ni Kembert? pati tuloy ako napapaisip. Makapunta na nga lang ng canteen.

Naglakad-lakad ako papuntang canteen. Naisipan kong kumain ng biscuit at coffee.

"Ate isang biscuit na rebisco at coffee-"

0_0

"Padamay na nitong sakin."

Nanlalaki ang mata ko dahil hindi ako makapaniwala na nasa tabi ko si Franz. Nagmamadali rin akong umiwas ng tingin.

"M..Magkano po?" pagtatanong ko sa kahera.

"No. Ako na ang magbabayad.." ngiting-ngiti na naman na sabi niya sakin. "Miss, magkano lahat?" tanong nito. Nahihiya tuloy ako lahi niya na lang ako nililibre.

"Ako na magbabayad ng akin."

"Ako na,"

"Franz...Ako na."

"Nope. Ako na magbabayad." giit niya.

Sa huli tuloy wala akong nagawa. Magkasama kami sa table na kumain. Nag-order din siya ng coffee at cupcake. Pinanood ko lang siyang kumain. Nakakatuwang isipin pati pagnguya niya, napakagandang tignan.

Bigla rin tuloy ako napa-isip na bakit wala siya sa bus namin nong pauwi. Kagabi din bigla na lang siyang nawala.

Siguro...Busy siya.

Agad kong dinampot ang biscuit ko ng akmang mag-aangat siya ng tingin sakin. Nagpapasalamat ako na kunti lang ang tao ngayon, for sure pagod lahat sa biyahe.

"Bakit hindi ka nagpapahinga ngayon? hindi ka ba napagod sa biyahe?"

I smiled at him. "Sa totoo lang buong biyahe akong tulog kaya ngayon sobrang dami kong energy."

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now