Chapter 19: Open-up

Start from the beginning
                                    

Nagbaba ako ng tingin at mangiyak-ngiyak ako ng makita isa yung ahas.

"Hendrix.." pagtawag ko dito. Pakiramdam ko maiiyak na ako sa takot. Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng katawan ko. Lalo pa akong natakot ng humigpit ang pagkaikot ng katawan nito sa paa ko.

"Hendrix!" natatakot na sigaw ko. Kita ko ang inis sa mukha nito pero hindi ko na inalintana yun, halos maki-usap ako sa kaniya gamit ng mga mata ko.

Nagbaba tingin ito sa paa ko at nanlaki ang mata nito sa nakita niya.

"Don't move." pag-uutos nito at agad akong tinanguan siya.

Wah! Mama! Katapusan ko na ba? bakit naman sa dinami-dami pa?! bat ako?!

Nagulat ako sa dahang-dahang paglapit sakin ni Hendrix.

"Anong ginagawa mo?" pabulong na sabi ko.

"Relax ka lang." seryosong sabi nito sakin.

Kainaman na sino bang makakaparelax kapag may ahas na nakapalibot sa paa mo?

"Hendrix..." tawag ko sa kaniya, hindi ko mapigilang hindi mangatal dahil sa takot.

"Sabing relax ka lang, alam yung pakiramdam ng makagat ng langgam?" nagtataka man, tumango ako na lang ako tanong niya. "Eh yung mainjectionan?" nagmamadali akong tumango. Ngumiti siya na kinuot ng noo ko. Jusko nakuha niya pang magtanong, baliw na nga talaga siya.

"Relax, Ganon lang ang pakiramdam pagnakagat ng ahas."

"T*ng*na mo!" pagmumura ko sa kaniya at tinawanan lang ako huhu. Pakiramdam ko tuloy aatakihin na ako sa puso dahil sa takot.

Ang lakas-lakas niyang sabihin ng relax! relax niya mukha niya! I'm sure nage-enjoy siya na makitang umiiyak ako.

Patuloy parin ang paglapit nito at dahan-dahan siyang bumaba at tinignan ang ahas sa paa ko.

"Don't move. Don't make noise. Don't do anything." instruction niya sakin. Pinanood ko siya na ilapit ang kamay niya sa paa ko kung saan nandon ang ahas. Namangha ako sa mabilis na pagdakma nito sa ulo ng ahas at mabilis niya yung hinila. Mabilis akong tumakbo palayo sa kaniya.

Tuwang-tuwa siya na hawakan yung ahas ngayon.

Baliw nga talaga siya!

Mamaya lang sinadya niya talagang lapitan ako at ilapit yung ahas sakin.

"Hendrix!!" saway ko dito. Tingin ko talaga maiiyak na ako.

Pinanood ko siyang magtungo sa mapunong parte dito sa camp at..

WTF! Pinakawalan niya yung ahas?!

"B..Bakit? Bakit mo pinakawalan?!"

"Tsk. Anong gusto mong gawin ko?"

"Eh paano kung makakagat siya ng iba?"

Iling-iling ako nitong tinignan.

"Naliligaw lang yun.."

"Ha?" takang tanong ko.

"Tsk balik na tayo sa camp." nagulat ako ng siya na ang nagdala ng kahoy na kinuha niya kanina.

Sinundan ko siya, ayaw ko naman maiwan sa lugar na yun baka ahasin pa ako ulit.

"Hoy Hendrix!" tawag ko dito. Nilingon niya naman ako.

"Sinadya mo yung kanina no? dinala mo talaga ako sa lugar na yun para ahasin ako."

Tsk. Hindi imposible ang naisip ko. Sa sama ba naman ng ugali niya at yun pinagawa niya kali Rica para saktan ako.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now