"Opo!"

"May palatandaan ang bawat cottage kada course yun. Please lang sana naman walang may malikot na kamay Jan, Ito pa sa hapon tayo gagawa ng tent then proceed tayo sa activities niyo. Sa gabi gaya ng suggestion niyo magbo-bonfire tayo.."

Napuno tuloy ng ingay ang buong paligid halos lahat exited sa gagawin. Naglakad kami papuntang cottage at nilagay namin don ang mga bag na dala namin, gaya ng sabi ng guro dinala lang namin ang itim na plastic bag. Nag-umpisa kami nila cecil maghakot ng kalat sa paligid. Samantala ang mga lalaki ay pinayagan magsuong sa dagat para tanggalin ang dumi at kalat sa ilalim nito.

Buhangin ang tinatapakan namin kaya sobrang hirap maglakad. Tirik pa ang araw at syempre hindi mawawala ang mga tamad na studyante na imbis na tumulong nagawa pang magcellphone at magtago sa cottage.

>_<

"Jas, nandito siya." aligagang sabi ni Cecil.

"Cecil.." saway ko dito dahil hinihila niya ang T-shirt ko. Napatingin tuloy ako sa tinitignan niya at nakita ko yung beki na crush niya.

"Ang gwapo niya talaga jas," kinikilig na sabi nito.

Ang kire.

"Bakit hindi ka pa kasi umamin." seryoso na sabi ko sa kaniya at agad naman napanguso ito.

"Sa tingin mo ba talaga pag-umamin ako sa kaniya? mapapansin niya na ako?"

"Oo naman," sabay tapik ko sa likod nito. "Cecil, maganda ka, magaling sa drawing, may pagka-slow ka minsan pero higit sa lahat mabait at mapagmahal kang tao."

naluluha akong tinignan nito ngayon.

"Ine-echos mo lang ata ako eh,"

"Hindi ha!"

"Pero, salamat jasmine. Salamat sa mga mabulaklak na salita."

We both smiled to each other.

"Mamaya, aamin ako sa kaniya. Gusto ko sana tulungan mo ako jas, hanapan mo ako ng lugar na kami lang dalawa mamaya ang pupunta doon."

"Sige ba! I support you!"

^_^

"Hoy anong pinag-uusapan niyo Jan?"

agad kaming bumalik sa pamumulot ng kalat ng dumating si Raven na reaksyon niya palang nanghihinala na samin ni Cecil.

"Aba nga, madaya kayo. Anong pinag-uusapan niyong dalawa?"

Parehas kaming walang kibo ni Cecil na lalong kinainis ni Raven. Magsasalita pa sana ito kaso nakita niyang papunta si Carl samin.

"Hi sa inyo!"

"Hello." pagbati namin sa kaniya. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil yung kaninang nangungulit na si Raven, ngayon tumahimik na.

Nako si Carl lang pala talaga katapat niya.

"M..Mauna na ako," pamamaalam ni Raven at nagmamadaling umalis sa harapan namin. Parehas kaming natawa ni Cecil dahil sa kinilos nito at si Carl kunot na noo niya lang kaming tinignan.

"Hoy Carl." pagtawag ni Cecil dito.

"B..Bakit?"

"May gusto ka ba kay Raven?" diretsahang tanong nito na nagpaawang sa bibig ni Carl.

"H..Ha?" gulat na tanong nito.

"Ha...Happy birthday!"

Automatikong natawa ako sa pang-aasar ni Cecil kay Carl.

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now