Chapter 7: President

Start from the beginning
                                    

"Ano?!" iritadong pagtatanong nito.

Aba ang kapal ng mukha.

"Hindi ka pumunta kahapon sa detension."

"Pake mo?" tila mapang-asar pa ma tonong pagsasalita ni Hendrix.

"Gusto mo talagang madagdagan demerits mo no?"

"Tsk, kahit expelled pa go!" natatawang sabi ni Hendrix at aalis na muli sana ito pero nagsalita si Franz.

"Hendrix." mababakas ang banta sa tono ni Franz ngayon, nakakatakot din palang magalit 'to.

"Bakit? De-dede ka?"

"Pftt-" agad kong nagtakip ng bibig ko. Teka lang hindi ko kasi mapigilang matawa sa sinabi ni Hendrix. Loko-loko talaga kahit kailan.

"I guess dapat na nga talagang tinatanggal ang walang kwentang studyante katulad mo sa paaralang ito."

"Anong sabi mo?!"

Nagulat na lang ako ng biglang nilapitan ni Hendrix si Franz at kwinelyuhan ito.

Omg! anong gagawin ko?!

"H..Hendrix." saway ko dito pero hindi niya ako pinakinggan. Natakot ako ng makitang hinigpitan pa ni Hendrix ang pagkakapit sa damit ni Franz na kinasasakal na nito ngayon.
Nagmamadali akong hinawakan ang kamay ni Hendrix at sapilitang tinanggal yun.

"Hendrix tama na! nasasakal na siya!"

Galit silang nakatingin sa isat-isa.

Anong gagawin ko?

Nagpapasalamat ako na binatawan din ni Hendrix ang kwelyo ni Franz. Nag-aalala akong hinawakan to sa magkabilang balikat. Hinahabol nito ang hininga niya ngayon.

Nang nilingon ko si Hendrix nakita ko na lang 'to naglalakad papalayo samin.

"Jas, W..Wag mong lalapitan si Hendrix." babala nito sakin at tumango agad ako.

"Jasmine!" nakita ko sila Kristine na patakbong pumunta samin.

"Anong nangyari?" pagtatanong nito. Napatingin tuloy ako kay Franz inayos nito ang uniporme niya.

"Ms. I...Ilagan," gulat na sabi nito.

"Ano bang nangyayari dito?"

Bakas ang kaba sa itsura ni Franz ngayon na pinagtataka ko, magsasalita na sana ako para magkwento pero naunahan ako ni Franz.

"Wala naman, M..Mauna na ako sa inyo." sabi nito at nagmamadaling umalis sa harapan namin.

Bakit ayaw niya magsalita tungkol sa nangyari?

Sabay-sabay kami nila Kristine pumunta sa first subject namin. English class.

Umupo kami ni Kristine sa dati naming pwesto habang nagkla-klase hindi ko maiwasan tignan si Franz.

Ano nga bang katangian ni Franz sa istorya ko?

Bukod sa presidente siya ng BSU....
Hays bakit ba wala akong matandaan?!

Agad akong napahawak sa batok ko ng may tumama don. Nakita ko ang isang papel sa sahig. Dinampot ko yun, pinagmasdan kong maigi ang classmate ko.

Sino naman gagawa nito sakin?

Nakita ko banda sa likudan si Hendrix.

Sure akong siya ang nambato sakin. Hanggang ngayon talaga hindi niya ako tinatantanan.

"Class dismiss."

Nagmamadali kaming nagsama-sama nila Kristine.

"Gutom na ako." reklamo ni princess.

"Ako din?"

"Tara na sa canteen."

"Pagkatapos nito maglibrary tayo."

"Good ideya!" sang-ayon ko sa sinabi nila. Naglalakad kami sa corridor ng biglang may isang nerd, yes kagaya ko ang nakaharang sa daan namin.

"Anong problema?" mataray na pagtatanong ni Raven. Nagtama ang Mata namin nong babae.

Mukhang ako ang pakay niya.

"P..Pinapapunta ka ni Ma'am loida sa ikatlong b..building." utal-utal na pagsasalita nito. Pawisan ito at bakas sa mukha ang kaba at takot, nanginginig pa ang kamay nito.

Anong nangyayari sa kaniya?

"Ha? bakit naman siya papupuntahin ni Ma'am loida don?"

"Ahm..Kasi ano.." nahihirapang pagsasalita nito, hindi malaman kung anong sasabihin niya.

"Sige pupunta ako." nakangiting sabi ko dito.

"Sasamahan na kita-"

"Hindi pwede!" nagulat kami nong sumigaw yung babae.

Kahina-hinala ang kinikilos nito.

"Ang I..ibig kong sabihin ahm ano.. si J..Jasmine lang ang pinapapunta."

"Tsk. Bakit naman?" tanong ni Kristine na kinatahimik nito.

May Mali talaga. Lalo na sa babaeng nasa harap ko.

"Sige na, susunod na lang ako sa canteen." sabi ko at aangal pa sana si Kristine pero hindi niya na yun tinuloy.

"Okay, sunod ka kaagad ha."

Agad akong tumango. Umalis na sila Kristine at naiwan kami nong babae. Aalis na sana ito pero pinigilan ko siya.

"Teka lang!"

"A..Ano? m..may sasabihin ka pa?"

Nauutal. Hindi mapakali ang mata. Tama ako. Inutusan lang siya pero sino naman gagawa nito? anong kailangan niya sakin?

Hendrix?

"Kung hindi ako pupunta, mapapahamak ka diba?" mahinang pagsasalita ko yung tipong kami lang makakarinig. Nagmamadaling tumulo ang luha nito at ilang beses na tumango sakin.

Hendrix. Siya lang naman may galit sakin.

Bumalik sa alaala ko ang ginawa niya kay Franz.

May kailangan ba siya sakin?

"Sige na umalis kana, wag kang mag-alala pupunta ako at hindi ko ipagsasabi ito." paniniguro ko don sa babae. Nagmamadali itong tumakbo paalis sa harap ko.

Kawawa naman. Sa murang edad niya mukhang danas na danas niya na ang gantong bagay.

-----------------------------------------------------------

To be continue, Don't forget to vote! ❤

Si Author naging EXTRA?! Where stories live. Discover now