"Sabay silang naligo ni Chelka . Bakit?" Nagtatakang tanong naman ni Chelsea.

"Wala," sabay alis ni Cloud at nagtungo sa batuhan ng beach upang mapag-isa. At doon nakita niya si Joshua at Chelka na magkahawak kamay na nakatingin sa dagat. Laglag panga siyang nakatingin dito, lalo na ng marinig niyang sambitin ni joshua ang "I love you Chelka, can't wait to marry you."

Sa galit at pighati ni Cloud ay nagtago siya sa likod ng batuhan at doon nilabas ang mga luha niyang kanina pa gustong lumabas. Kumuyom ang kamao niya at halos mag dugtong ang mga kilay niya.

Sa nagdidilim na paningin niya ay kumuha siya ng isang malaking bato at dahan dahang nagtungo sa dalawa. Ang una niyang ginawa ay pumunta sa likuran ni Joshua at pinukpok ang bato sa likod ng ulo nito. Dahilan kung bakit umagos ang dugo nito at pahiga sa isang bato.

Takot naman ang mababasa sa ekspresyon ni Chelka. Binitawan ni Cloud ang bato at nanginginig na lumapit kay Chelka at hinablot ang buhok nito. Puro pagmamakaawa ang naririnig ni Cloud mula kay Chelka. Pero sadyang wala na siyang pakialam sa dalaga  at marahas na tinulak sa dagat. Doon lamang napansin ni Cloud na hanggang dibdib ng dalaga ang tubig ng dagat.

Nakahinga naman siya ng maluwag. Dahil akala niya malulunod ang dalaga. Pagkatapos niyang tignan ang dalaga ay umalis na siya sa batuhan upang magtungo sa kaniyang cabin.

Ang nanginginig na kamay ni Chelka ay mas lalong nanginig ngayon, sumama narin ang paa at labi niya. Kahit na nanginginig lamang ang kaniyang labi ay hindi na siya makapag salita. Kahit gustuhin man niyang humingi ng tulong . Pati ang mga paa niya ay namamanhid na, hindi niya rin mahakbang ang mga ito. At mas lalong nagpakaba sa kaniya ang hanggang dibdib na tubig mula sa dagat.Mayroon kase  siyang phobia sa dagat.

Hindi namalayan ni Chelka na unti unti ng bumibigay ang paa niya. Sa ilang sandali lamang ay tuluyang bumigay ang mga ito at napa luhod siya. Kinawag kawag niya ang kaniyang mga kamay sa itaas at pilit na sumisigaw sa ilalim ng tubig. Pero bula lamang ang nilalabas nito. Pinilit pa din niyang tumayo pero wala na talagang pag-asa. Nang mayroong humilang mga kamay sa kaniyang pataas at inangat siya.

Killer's  P.O.V.

Nakakainis ilang araw na akong walang pinapatay. Paniguradong magagalit ang aking ama, kapag nalaman ito.

Dahil sa gusto kong mapag-isa ay naglakad ako papunta sa batuhan ng makasalubong ko si Cloud.

"Cloud," tawag ko sa kaniya. Pero nakatulala lamang itong naglalakad. Sa isang iglap ay may naisip akong plano.

Dahil lagi akong may dalang panyong may pamapatuloy  ay papaamoy ko na lamang sa kaniya iyon.

Luminga linga muna ako sa paligid kung mayroon bang tao, pero wala naman. Kaya isinagawa ko na ang plano ko. Mabuti nga at walang nakakaalam kung sino ba talaga ang pumapatay.

Hinila ko si Cloud patungong batuhan. Mabigat rin pala ang baklang ito. Ang totoo nga niyan ay nakakainis itong baklang ito dahil palagang kasama ang crush kong si Joshua. Kahit ilang araw pa lamang kaming mag-kasama ay crush ko na talaga siya.

Pero siyempre luminga linga ako sa paligid at baka mayrong makakita sa akin. Pero mabuti nalang at wala naman.

Nang nasa tagong bahagi na kami ng batuhan ay mayroon akong napansing nakahiga sa bato. Natatakot ako na baka mayroon makakita sa akin ay palihim ko itong sinilip at si ang crush ko palang si Joshua. Nakahandusay at mayroong dugo ang ulo.

Bagkus hindi lamang iyon ang aking nakita, mayroong din akong nakitang mga bula sa dagat. Maaring may tao roon. Kaya naman ay sumisid ako upang tignan kung sino iyon. Gabi na kaya malamang sa malamang ay malamig ang tubig dagat.

Nang nasa tapat na ako ng taong iyon ay inangat ko ang kamay nito paitaas at si Chelka pala ito na pulang pula ang mukha.

Tumagos naman ang titig niya sa aking likuran at nanlaki ang mga mata niya. Kata ginaya ko din siya. Ah si Cloud at Joshua lang pala.

"Anong ginawa mo kay Cloud?" Tanong niya sa akin. Pero isang ngisi lamang ang aking naging tugon.

"Ikaw  ang pumapatay at hindi si Vienna?!?" Dahil naririndi na ako sa kaniya ay muli ko siyang nilubog sa tubig. Kumakawag kawag naman siya ulit. Dapat pala hindi ko na siya niligtas.

Patuloy ko pa ding nilibog ang ulo niya at ilan pang sandali ng dahan dahan siyang tumigil sa kakakawag.

Inangat ko naman ang ulo niya at hinawakan ang pala pulsuhan. Laking tuwa ko naman ng wala na itong buhay.

Iniwan ko na lamang siya doon sa dagat at nagsimulang lumangoy papunta kila Cloud at Jacob.

Basang basa ng ako ay umahahon at nagtungo sa kanila. Ang una kong pinuntahan ay si Joshua na wala pading malay. Tutal mayroon akong alam na short cut patungo sa underground basement ko ay doon ako nagtungo habang hila hila ko si Joshua. Nang nadala ko naman siya sa underground basement ko ay si Cloud naman ang sinunod ko.

Mahirap at ang bibigat pala nila. Nakuha pang natuyo ng kaunti ng damit ko dahil sa init na nararamdaman ko. Ang ginawa ko sa kanila ay tinali sa upuan at binusalan ang mga bibig. Nagbihis din muna ako ng tuyong damit bago nilisan ang basement.

Napagdesisyunan kong bukas na lamang sila patayin. Dahil masiyadong malalim na ang gabi at baka may maghinala pa sa akin.

Habang naglalakad patungo sa aming cabin ng matanaw ko si Jonathan na seryosong nakatingin sa aking gawi.

"Saan ka galing?" Nagtataka at puno ng pagduda ang kaniyang boses. Umakto naman akong parang walang nangyari at singot siya ng maayos.

"Sa tabi-tabi lang," wika ko at dahan dahan nagtungo sa aming cabin upang matulog.

Shit, muntikan na yun ah?

Isla Verdes  ( UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon