Chapter 58

7.3K 365 176
                                    

Author's Note:

Hey babies! Nalulungkot kong pianpaalam sa inyo na malapit nang matapos ang SWWAH. Maybe 4-5 chapters nalang tas Epilogue na. Waaaah! Anyway happy 1st anniversary sa book na ito! Isang taon na pala hakhakhak.

I love you all. I am happy dahil grabe yung mga comments niyo at talagang abang na abang kayo. Natutuwa talaga ako sa pag aapreciate niyo sa story at sa akin.

I'll post kung kelan ang schedule ng aking pag uupload para ma inform kayo.

Also I have another gayxstraight story entitled "Unfriendzoning" after SWWAH ay pagsasabayin ko ho sila ng HS#2.

Enjoy

-----------------------------------------------------------

Chapter 58

Patuloy ang pag agos ng aking luha habang nakatingin sa kawalan. Matagal prumoseso ang lahat sa aking utak.

The guy broke my heart before and he break it again for the second time and I know sa pagkakataong ito iba na ang sitwasyon.

"Let's go home." Yaya ni Kuya sa akin sabay hablot sa aking kamay.

"I'll stay here. Dito lang ako." May diin kong sabi. Kuya clenched his jaw, he's angry pero alam kong pinipigilan niya lang ang sarili.

"It's been five days at di ka pa umuuwi."

"Dito lang sabi ako! Ano ba!" I cried as I fired a deadly stare at him.

"You're not taking care of yourself Seffira! Di ka naman namin pipigilan kong gusto mong manatili dito pero kailang mong magpahinga! Everyone's worried about you! Ni hindi ka nga makakain at makatulog ng tama!"

"Okay lang ak--."

"Okay?! Gusto mo bang patayin sa pag aalala ang mga taong nagmamahal sa iyo? Lolo is strictly monitored by his nurses, matanda na siya. And Mama is is damn worried ay di na halos makakain ng tama! Yon ba ang gusto mo?!" Sigaw ni Kuya. Agad na lumukob sa akin ang guilt. It's always been like this. Ano pa ang nagbago. Dati ko pang kakambal ang kamalasan at di ako nito nilulubayan. The people I love suffers a lot dahil sa kamalasan ko. Humikbi ulit ako.

Kuya's angry eyes turned softer. He kneeled in front pf me and caressed my face. Alam kong lubos rin siyang nag aalala sa akin.

"Let's go home. Babalik tayo rito." Tumango nalang ako bilang pagsang ayon.

Should I say goodbye?

Nagsimula akong humakbang at yumuko ng kaonti. The sound of the beeping machines is excruciating, ang tunog ay tila paulit ulit sa utak ko na kahit patayin man ito ay patuloy itong tumatakbo sa aking isipan. Kinagat ko ang aking labi sabay hawak sa kamay ng lalaking nakaratay sa higaan. Tubes were around him connecting to various apparatuses to monitor his stability. Nawawalan ako ng lakas tuwing makikita ko siyang nakapikit at parang mahihimbing na natutulog pero sa pagkakataong ito'y walang kasigiraduhan kung kailan magigising. His pale skin reminds me how life is drifting away from his body. Ayokong isipin ang pinakamasaklap pero di maiwasang maglaro sa aking isipan ang mga tanong na kahit sino'y walang alam kung paano sasagutin.

Kailan ka magigising?

A warm hand pressed my shoulder.

"Magpahinga ka muna Iha. We'll call you kung magigising siya." Donya Elena hugged me. Stress and worry is also evident on his face. Tumango naman si Ate Selena sa akin.

"Hiyang hiya na kami Seffie. Kami itong kadugo pero ikaw itong halos di na umaalis dito." Drake laughed to brighten the atmosphere. I smiled.

Muli kong sinipat ang kaniyang mukha at mahinang tinapik ang kaniyang kamay bago ko ito bitawan. I have to take care of myself para paggising mo ay maganda parin ako.

She Who Was A He (Hacienda Series #1)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin