Chapter 26

6.4K 311 58
                                    

Author's note:
Guys please take care of yourself. Proper hygiene, social distancing, and boost your immune system. Vitamin C intake is necessary.
Stay safe against the Virus and always pray.
___________________
Chapter 26

"Naku bad mood naman Sir Dreyfus. Seff ikaw nalang kaya ang maghatid dahil sigurado akong lalamig ang ulo no'n." makahuluhang sabi ni Jelay sa gitna ng aming paglilinis.

"Bakit naman ako? Saka nanibago ka pa eh bugnutin na naman yon dati pa."

"Iba kaya simula ng dumating ka." nilingon ko si Jelay at nahuli ko ang ngiti sa kanyang labi na agad niyang binura.

"Bahala ka nga. Aalis na ako papuntang school." pag iiba ko sabay alis.

Pagsapit ko ng school ay nadatnan ko si Aeon sa gate na tila may hinihintay. Nang tumama ang aming tingin ay ngumiti ito saka lumapit sa akin.

"Morning." He greeted.

Naramdaman ko namang sa amin nakatingin ang iilan.

"Anong ginagawa mo dito?" halos pabulong kong sabi.

"Fetching you. Lika na." yaya nito saka kinuha ang dalawang libro na hawak ko. Agad namang nagsinghapan ang iilang babae.

"Ano ka ba. Pinagtitinginan na tayo."  May diin kong sabi.

"Let them stop and stare. I meant it when I said I'd court you." Simpatiko nitong ngiti saka taas noong naglakad, ako naman ay halos yumuyukong naglalakad.

"Okay. If it makes you feel uncomfortable, I'll try not to show off." he managed to smile.

"Salamat." and with that we went to our room while the entire university's eyes are following us.

"So ano tong naririnig namin ha? Official na ba?" Marielle asked.

"Ha? Ang alin?" I asked. Agad namang naglapitan sina Cha at Leo.

"Kalat na teh! Na may pa sundo sundo effect pa si Papa Aeon sa gate! Ikaw na ha masyado kang secretive." Leo gritted his teeth.

"A-ano kasi." I stammered.

"Spill it." Cha ordered na parang mangangain na ng tao. Kaya I have no choice but to tell them about Aeon's confession kaya halos umalog ang utak ko sa kayuyugyog ni Leo at kakatili ni Cha.

"Ikaw na talaga Cassie!" Leo celebrated.

"Actually we expected it already. The way Aeon hit on you damn he's so corny." Cha laughed.

"So anong balak mo?" Marielle asked.

"Hindi ko alam." I answered short kaya napatigil sila.

"Bakit naman?" seryosong tanong ni Leo.

"Di ko alam. Bago kasi lahat ng ito sa akin. This feeling is full of strangeness." Hindi ko talaga alam. I just woke up one day and here it is.

Tumahimik naman ang tatlo at di nagtagal ay nagbigay na ng kanya kanyang payo.

While they are busy chatting their plans, my eyes fixed on the guy who just entered the class. His eyes pierced through me. Umiwas na ako ng tingin. Ayaw kong masaksihan niya ang sakit sa aking mga mata, ang mga tanong at pagdududa. Ayaw kong mabatid niya ang luhang umagos sa aking mga pisngi kagabi sa pamamagitan ng aking mga mata.

The next few days lumakas ng lumakas ang mga tsismis. Particularly tungkol sa amin ni Aeon. Aeon were true to his words, he remained discreet. Hindi niya ako hinihintay sa gate pero pagdating sa room ay may nakaabang ng chocolates at flowers sa aking armchair. And everyone knows kung kanino ito nanggaling. Tuwing pupunta naman sa  Caf o kung saan ay grupo kaming lumalabas at sumasama narin si Aeon kina Elias para lang makasama ako dahil awkard kung kami lang dalawa.

She Who Was A He (Hacienda Series #1)Where stories live. Discover now