Chapter 6

6.1K 365 22
                                    

Dumiretso ako sa clinic para ipagamot ang sugat ko and after that bumalik ako sa aming classroom, answering their worried question regarding the bandage in my wrist.

I'm not that secretive to my friends pero sa pagkakataong ito I covered my bruise with a lie. Ang madamay sila sa gulong ito ang pinaka ayaw ko pero gaya ng ibang sugat, hindi ito basta basta maitatago.

The next day, Charity blurted out what she knew dahil sinabi ito sa kanya ng kambal niyang si Chad.

Elias is fuming mad and Marielle is trying to calm him down. Ang iba ko namang kaklase ay nakikisimpatya dahil sa tingin nilang naaawa. But of course wala silang magagawa, wala kaming magagawa because those guys can raise hell with just a flick of their hands.

Di ako nag pa apekto. Iwinaksi ko sa aking isip ang lahat ng aking mga hinanakit. Tama nga si Elias I should stay away from them.

Nang mga sumunod na linggo ay bumalik ang lahat sa dati. At unti unti lang nadagdagan ang aking mga kaibigan.

Tuwing breaktime ay di na kami dumidiretso sa Caf. Sa food court ang tambay namin kung saan medyo malayo sa room pero at least hindi magulo at masyadong pang commoner ang tambayang ito kaya siguradong malayo sa mga mayayaman. Di narin umalis sa pag aaligid sa akin sina Elias at barkada niyang sina Kenjie at Jericho. Para daw sa proteksyon na tinawanan lang ng nina Charity dahil over protective daw ang mga ito.

"Mag tra-try out kami sa basketball ngayon para sa Sports Festival. Girls we need support." si Kenjie.

"Oo nga! Gusto naming may cheer at tarpaulin pa ha!" singit naman ni Jericho.

"Wow ha demanding! Di nga kayo makakapasok don eh!"

"Harsh mo Yel! Don't worry full support kami diba Seff?" tanong ni Leo

"Oo ba. Kailan ba yon Elias?"

"Next week siguro pagkatapos ng exam." ngiti nito sa akin.

"Pero for sure mag tra-try out din sina Aeon. Usap usapan kasi yon dito sa skul." walang prenong sabi ni Charity habang ngumunguya ng pagkain.

"Cha! Bad words!" suway ni Leo at tila nahimasmasan si Cha at nagbigay ng ngumiti ng pilit.

"Ok lang ano ba kayo. Di naman sila pupuntahan natin don eh." pangiti ngit kong sabi.

Bigla namang tumayo si Elias kaya tiningnan namin siya.

"Oo nga! Kaya Jericho at Kenjie hali na kayo. Mag practice tayo para di tayo mapahiya." At hinigit nito ang dalawa kaya napatunganga nalang kaming apat nang umalis sila. Nagtatawanan kami habang pinag uusapan sina Elias.

Nasa second floor na kami ng biglang umutot si Charity dahil sa camote cue na pinapak niya kanina.

"Wahahahaha! Kadiri ka girl! At nagtakbuhan kami habang tumatawa dahil hinabol kami ni Cha. Mabuti nalang walang klase dahil may faculty meeting. Nagsitabihan naman ang iilang students na nadaanan namin habang tila nagtatanong dahil sa ingay na aming nalilikha.

"Wait lang. Di ko na kaya." Hinihingal ako at tumigil habang tumatawa." Kaya di ako pinansin ni Cha at hinabol nito si Leo na ngayo'y sinasabunutan na si Marielle dahil ang bagal tumakbo kaya tinakpan ko ang aking bibig upang pigilan ang pagtawa.

Tila lumusaw ang aking ngiti nang napa-dako ang aking tingin sa katapat na gusali. Nakatingin sa amin ang iilang estudyante subalit bigla akong kinabahan nang limang pares ng mata ang manghang nakatingin sa akin.

May hawak silang gitara at beatbox na tila nag ja-jamming subalit tumigil ito dahil sa komosyon namin.

Kaharap nga pala namin ang building at room mismo ng star section. Napamura ako sa aking isip.

She Who Was A He (Hacienda Series #1)Where stories live. Discover now