Chapter 24

6.5K 349 98
                                    

"Uyy bagong phone! Selfie dali!" Di pa man ako naka oo ay kinuha na iyon ni Leo.

Agad ring naki usyoso ang iba. At nag kanya kanyang save ng number.

"Bili mo?" Tanong ni Elias.

"Ah hindi. Bigay ni Dreyfus." Sagot ko. Tiningnan naman ako ni Elias na parang nagtatanong.

"Kailangan daw kasi sa trabaho. Para may contact ang mga taga Hacienda." Paliwanag ko. Napatingin naman siya sa mukha ko.

"Anong nangyari jan?" tukoy nito sa maliit na sugat.

"A-ah yung kuko ko kasi mahaba na yata." palusot ko. Hindi naman ito umimik pa.

"Hoy alam niyo ba ang chismis!"

"Ano yun Ley? Alert!" pilit ni Cha.

"Sina Nathalie daw pina report kanina sa Student Discipline Office." halos pabulong nitong sabi.

"Ano naman kaya ang pinagagawa ng mga kontrabidang yon?" tanong ni Marielle.

Tumahimik nalang ako kahit na parang alam ko kung bakit. Si Aragon ba ang nag report?

When the afternoon came, nagkasalubong kami nina Nath and she just raised her eyebrow and nothing more. I think she learned her lesson, or is it? Knowing Nathalie, she doesn't stop for nothing but I told myself to take this opportunity for peace.

The next few weeks were like a thin blur line. It was fast and I can sense myself inching towards Aragon. This feeling, it grows more everyday and I don't like it. This alien feeling should be avoided.

"Iba yata ang ngiti ngayon ni Lola ah."

Today's Sunday kaya napag isipan kong bisitahin si Lola.

"Nagagalak lang ako apo at binisita mo ako." Nakangiting tugon niya sa akin.

Napansin ko ang kulubot na mukhani Lola. Parang kailan lang. Lumilipas ng ng mabilis ang panahon.

"Naku, tumatanda na ang Lola mo apo. Napansin mo rin ba ang mga wrinkles ko." Natawa ako bigla sa tinuran ng matanda.

Nag usap kami ng matagal tagal at sinulit ko talaga ang mga oras na magkasama kami.

"Maliit na lang ang babayaran natin kay Paquito. Sa awa ng Diyos ay mababawi rin natin ang titulo at pagka sangla ng lupa natin."

"Wag nyo na hong problemahin yon La. ang importante ngayon ay magpalakas kayo dahil mag mamartsa pa tayo sa Graduation ko." Yakap ko sa kanya.

Matapos kong magtanghalian ay pumasok ako sa kwarto at kinuha ko ang aking cellphone at nabigla ako sa mahigit sampung text at missed calls na natanggap.

It was Aragon asking me where I am. May iuutos na naman siguro. Gustuhin ko mang mag reply, sa kasamaang palad ay wala akong load.

"Apo may bisita ka."

Lumabas na ako ng kwarto at halos mapatalon ako dahil malaking bulto ng lalaki sa harapan ko.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko.

Aragon's eye shot at me.

"Sino siya apo?" tanong ni Lola.

"A-ah siya po si Ar- ah Dreyfus La, anak ni Don Aragon."

She Who Was A He (Hacienda Series #1)Where stories live. Discover now