''huli ka.......''

126 1 1
                                    

CHAPTER THIRTEENTH

dahan dahan na binuksan ni jasmine ang pinto doon sa kusina.

doon kasi nya naisipan dumaan para hindi sya mapansin ng kanyang magulang.

sakto tahimik na, at nakapatay na ang ilaw.

maingat syang naglakad papunta sa sala at didiretso sa kwarto nya.

nalagpasan na nya ang kusina at sala, ngayon paakyat na sya ng hagdan.

naka-isang apak pa lang sya sa hagdan nang biglang sumindi ang ilaw doon.

nagulat sya at laking takot nya kung sino yung taong nakatayo doon sa may gilid at nakataas ang kilay at naka-cross ang mga kamay.

walang iba kundi si aling Susan na kunot ang noo at mukhang galit na galit.

"saan ka galing, bakit ngayon ka lang".
hindi mo ba alam kung anong oras na at hindi mo ba nakikita ang panahon_ napakadilim na?

pasigaw at galit nyang sabi.

lumapit ang dalaga sa kanyang nanay kahit nanginginig dahil sa takot, pinilit parin nyang maging mainahon.

magmamano sana ito pero hindi pumayag ang ina nya, iniwas nya ang kamay nito at nagpatuloy sya sa pagsesermon sa dalaga.

sumagot ka jasmine....
hindi mo ba alam dis-oras na ng gabi tapos ngayon ka lang dumating.
ni hindi ka man lang tumawag o nagtext samin kung gagabihin ka.
sobrang nag-aalala kami sayo, hindi mo ba naisip iyon.

nanginginig ang boses nito habang nagsasalita at magpapaliwanag sa nangyari.
ma, sorry po...
hindi na mauulit, ang totoo nyan.

hindi  pa sya tapos magsalita nang sumabat si aling Susan na bakas talaga ang galit.

"talagang hindi na mauulit...
saan ka ba galing ah jasmine?
naglakwatsa, gumimik o nakipagdate.

ma, hindi po ganon.

mabilis nyang sabi sa ina.

talaga?
anak... isa kang teacher, masama na makita ka na umuuwi ng ganitong oras hindi dahil sa reputasyon mo kundi dalaga ka, bata kapa.
pano kung may mangyaring masama sayo ah?
nag-iisip ka ba ah?

"The tutor and the Gangster"become LOVERSМесто, где живут истории. Откройте их для себя