Meat Cinderella_PARTY 2

99 1 0
                                    

continuation of chapter 25

heto na ang araw na pinakahihintay nang lahat ng taga maharlika, ang party ni vincent park.

yung iba umaga palang naghahanda na sila dahil sa excitement. samantala si jasmine ang bukod tanging hindi excited sa gaganapin na celebration party.

mabilis lumipas ang oras.

gabi na kaya yung ibang taga maharlika nasa eskwelahan na at nakasuot na sila ng pangdisente.

ang mga babae nakasuot na ng gown samantalang ang mga lalaki naka pang-americana na.

napansin ni aling Susan na hindi pa nakabihis ang dalaga nya. sinabi kasi ni jasmine na dadalo sya sa isang party sakanilang eskwelahan kaya kailangan niyang magsuot ng gown. natutuwa naman ang kanyang ina sakanyang sinabi na pupunta sya sa party, daig pa nya ngayon ang anak nya kasi sya ang excited imbes na si jasmine.

"O' anak bakit hindi kapa bihis? anong oras na, mahuhuli ka niyan? sita nya sa dalaga. nasa kwarto pa kasi ito at nadatnan niyang nakahiga pa.

"ma, alas-siete pa lang naman eh! magdamagan kaya ang party na iyon. hindi ko naman kailangan magmadali. sagot nya habang naghihikab pa.

"ano kaba! kailangan maaga ka doon para naman makita nang lahat kung gaano ka kaganda.

at kami ng tatay mo ang maghahatid sayo doon. bumangon kana dyan dahil parating na yung mag-aayos sayo, gusto ko ikaw ang pinakamaganda sa party na iyon at para magkaboyfriend kana. mahaba niyang paliwanag.at ngayon pilit niyang tinatayo mula sa pagkakahiga ang dalaga nitong anak.

"ma, ano bang pinagsasabi ninyo!!! saway nya sakanyang ina.

napilitan siyang bumangon.

"ma, bakit parang pakiramdam ko excited pa kayo sakin. atsaka pwede ba tigilan nyo ako sa mga sinasabi ninyong boyfriend na yan. darating din naman kasi iyon eh! hindi nyo naman kailangan gawin na pilitin akong magboyfriend, baka magulat na lang kayo isang araw na ang anak ninyong panganay ay inlove na sa wakas. sabay biniro pa nya ito.

"O' sya tama na ang dramang iyan, bumaba na tayo dahil nandyan na yung make-up artist mo." alam mo bang naghanap pa ako ng bading sa isang parlor para arkilain upang make-up-pan ka". alam mo naman ang mama mo hindi marunong magmake-up.

"wag kayong mag-alala, nagmana lang ako sainyo. na walang kaarte-arte sa mukha. sabay ang mag-ina na bumaba na ng hagdan.

samantala...
MAHARLIKA

nandito na ang halos ng mga mag-aaral ng maharlika dito sa party.

dito sila sa isang malaking quadrangle. napapalibutan ng mga balloon,bulaklak at mga ibat-ibang design ang buong quadrangle at malakas na sound system na talagang super lakas nakakabingi. patay sindi ang mga ilaw na parang nasa disco lang ang tema ng party.

may catering pa sila at ang pagkain dahil sa sobrang dami at haba para kang naglakbay sa Edsa. napakaraming putahe at desert sari-sari at hindi mo alam kung ano ang pipiliin o titikman mo dahil nakita mo palang ang dami ng pagkain parang busog kana.

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now