"miracle"

40 1 0
                                    

Chapter forty five

"patakbong pumasok si jasmine sa kwarto ni vincent at pagpasok nya sa naturang room, isang tao ang hindi nya inaasahan na makikita nya. ang ina ni vincent si Atty.Paula park..

nagkasalubong agad ang paningin nila nang humarap ang ginang sa gawi ni jasmine.

samantala... hindi alam nang dalaga kung ano ang gagawin at sasabihin nya sa ginang.

"nabalitaan ko na araw-araw ka daw na dumadalaw at nagbabantay sa anak ko? pagsisimula ni mrs.park!

"opo, hindi naman siguro bawal iyon diba, madam? ewan ba nya, hindi nya alam kung saan nya kinuha ang lakas ng loob niyang sabihin iyon.

"Oo nga naman... bakit naman bawal? kailangan nga nang anak ko ang suporta at pagmamahal ng mga tao para patuloy siyang lumaban.. by the way, tungkol doon sa nangyari_ pwede mo ba sabihin sakin ang mga nakita mong ginawa nila sa kaawa-awa kong nag-iisang anak.

"sorry po madam, pero ayoko nang balikan ang alaalang iyon. ipagpaumanhin po ninyo pero hindi ko masasagot ang mga tanong ninyo. mainahon at nakayuko ang ulo nya sa pagkasabi niyang iyon.

"ganon ba? kung ganon nirerespeto ko ang desisyon mong iyan.

tinalikuran na nya ang dalaga at ang atensyon nya ngayon na sa anak na wala parin malay. muli niyang kinausap si jasmine habang nakatalikod ito.

"hindi ko alam kung bakit mahal ka ng anak ko, hindi ko parin maintindihan kung anong gusto niyang mangyari sa buhay nya.

ano bang nagustuhan nya sayo at kailangan niyang gawin ito.

nalulungkot ako bilang ina na makita sa ganitong kalagayan ang only son ko.

"ano bang gayuma ang pinainom mo sakanya..

"nakikinig lang si jasmine sa nagsasalitang si donya paula pero habang tumatagal siyang nagsasalita malapit na si jasmine mainis at mapikon sakanya.

nagpatuloy si Mrs.Paula sa pagsasalita na kasalukuyan magkatalikod parin sila.

"kahit anuman ang pinainom mo sakanya hindi kona kukwestiyonin.. ang importante lang sakin ngayon magising na sya at wala na akong pakialam kung ikaw ang mahalin nya ang mahalaga buhay at masaya na sya.. habang sinasabi nya iyon nakatingin sya sa taas at ang mga mata nya puno ng emotion, malapit na siyang mapaluha sa sakit nang nangyari sa anak nya.

"hindi naman makapaniwala si jasmine sakanyang naririnig.. napatitig at nakakunot pa ang noo nya habang pinagmamasdan ang nakatalikod na si donya park. nakapagtataka naman ang kinikilos at sinasabi ni mrs.Paula sakanya ngayon.

"siguro, nagtataka ka ngayon hindi ba?

tototo ang mga sinasabi kong ito_ pipilitin kong tanggapin ka kung mabubuhay ang anak ko.

hindi ko na pakikialaman ang buhay ni vincent basta't magising lang sya.. magbabago ako para sakanya.

ang pinagdarasal ko sana hindi pa mahuli ang lahat. at pumatak na ang luha nang inang nasasaktan..

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now