"hopeless_loveless"

58 1 0
                                    

continuation of chapter 36
POV jasmine...
"goodbye, see you tomorrow"paalam ko sa aking estudyante kasi nagpaalam din sya sakin. "palabas na ako ng gate ng school, medyo masama ang pakiramdam ko ngayon dahil sa pagod sa school at sa kakabalik sa bangko_ang daming proseso ang kailangan gawin pero desidido na ako na maglo-loan ako dahil kailangan na...

"pero sa paglabas ko nang gate, hindi ko inaasahan ang makikita ko"!!!

"jasmine... tawag nang lalaking ayaw kong makita pero heto ngayon kaharap ko na sya.

"nakatayo sya sa harap ko at nakangiti pa sakin".

"si vincent? nandito sya sa harapan ko! anong gagawin ko?  naglalarong tanong sa isipan ko.

"nilapitan nya ako at sya ay nagsalita.

"nagulat ba kita? alam mo bang nahilo na ako sa kakahanap sayo_wala kana sa maharlika, kaya hindi ko alam kung saan kana nagtuturo, mabuti na lang may napagtanungan ako at sinabi nya na dito kana nagtuturo..

"habang nagsasalita sya at nakangiti pa, hindi ko sya pinakinggan. "ang dapat kong gawin iwasan at hindi sya pansinin".

kahit na sobrang nagulat at nabigla ako sa pagsulpot nya dito at ang puso ko hindi ko alam kung sasabog na dahil sa lakas ng kabog nito kailangan ko parin gawin ang nasa isip ko na kalimutan at iwasan na lang si vincent dahil kahit kailan hindi kami magiging maligaya..

"naglakad ako palayo sakanya at hindi ako tumitingin sakanya_inisip ko na hindi ko sya nakita".

pero hinabol nya ako at hinawakan nya ang kamay ko dahilan para mapaharap ako sakanya na kanina tinalikuran kona.

"jasmine.. okay ka lang? hindi kaba masaya na sa wakas nandito na ako at hinding hindi na tayo magkakalayo.. sinopresa kita pero parang hindi naman yun ang nangyari, may problema ba? nagtataka at nag-aalalang tanong nya sakin.

"binigyan ko sya nang masamang tingin at inalis ko ang kamay nya sa kamay ko...

"wala akong panahon para sa mga sopresa.. matapang kong sabi.

"teka!!! ano bang nangyayari sayo jasmine? galit ka ba sakin?

tingnan mo ako ngayon graduate na ako ng college at isa na akong business man.. buong pagmamalaki niya sakin.

"wala akong pakialam... wag mo na akong susundan. dahil uuwi na ako.. tinalikuran ko na naman sya at nagsimula na naman akong maglakad pero sadyang makulit sya dahil sinundan na naman nya ako at sumigaw sya sa pagtawag sakin.

"jasmine sandali..... tawag niya sakin.

"ano bang problema mo, bakit ka ganyan? tanong nya sakin nang mahabol nya ako at magkaharap na naman kami..

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now