tampuhan o lambingan?

109 2 0
                                    

Continuation of chapter 19

jasmine sandali...... pigil ni vincent.
palabas silang dalawa sa cafeteria. samantalang nagmamadali naman umalis si jasmine, hindi nya pinapansin ang pagtawag ng binata sakanya. basta diretso lang sya sa paglalakad ng mabilis, walang hinto.

jasmine sandali lang naman. hindi nakapagpigil ang binata, tumakbo sya nang mabilis para maabutan nya si jasmine at nang maabutan na nya ito hinawakan nya ang kamay atsaka nya hinila paharap sakanya.

nakita nya ang mukha nang dalaga na parang umiiyak at malungkot.

"ano bang problema mo vincent, bakit ba gustong-gusto mo akong sundan.kahit saan ako magpunta nandoon ka.malakas na sigaw nya sa binata.

"ikaw..anong problema mo. bakit ka ganyan? hindi ka na man ganyan ah? diba! matapang ka, bakit inayahan mong saktan at ipahiya ka ng babaeng iyon. nasaan na tapang mo? malakas at galit niyang komento sa dalaga.

jasmine ano bang nangyari? bakit ganon pagdating sakin ang tapang tapang mo pero bakit sa iba inaayahan mo na apihin ka, saktan ka.

"wala kang pakialam... hindi ko rin inaasahan ito, pero alam mo dapat lang sakin na mapahiya ako at sana... hindi mo pinigil ang sampal na iyon kasi nakasakit ako nang damdamin ng taong nagmamahal lang, tama lang sakin iyon kasi makasarili ako naiintindihan mo? umiyak na naman sya.

lalapit sana ang binata sa tabi nya pero pinigil nya itong makalapit sakanya.

"dyan ka lang mr.park... wag kang lalapit sakin. naiinis ako sayo dahil hindi mo na ako ginagalang. sana man lang kapag naka-uniform ka man lang diba? at kung pwede lang wag mo na akong pakikialaman sa gusto kong gawin at wag kang papasok sa personal kong buhay tulad nang nangyari kanina. habang sinasabi niya iyon nakatingin sya ng seryoso sa binata kahit mapula pa ang kanyang mata.

kaya ko naman iyon ginawa_ dahil hindi ko makaya na inaapi ka ng ibang tao. wag mong isipin na epal ako, ginawa ko iyon dahil gusto kitang ipagtanggol sa kahit sino.

hindi mo kailangan gawin iyon dahil kaya ko ang sarili ko. hindi porke't pumayag ako noon nalumabas tayong dalawa_gagawin mo na ang gusto mo? kaya naman ako pumayag dahil gusto kong makalimot talaga at sana wag mong bigyan ng kahulugan iyon.

pero jasmine.. ang akala ko okay na tayong dalawa pero bakit ngayon bumabalik na naman tayo sa dati na ngayon ikaw ang nag-umpisa. naguguluhan ako sayo? sino ba yung babaeng iyon? bakit nawala na ang mood mo pagdating sakin.

wala ka ng pake doon... bakit ba ang kulit kulit mo. sa susunod wag mo na ulit gawin iyon dahil hindi kita mapatatawad at kailanman hindi na kita papansin.naiintindihan mo ba? at kailanman hindi tayong magiging close dahil antipatiko, mayabang ka. "at yun ang pinaka-ayaw ko sa lalaki.

"The tutor and the Gangster"become LOVERSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें