"close again"

37 1 0
                                    

continuation of chapter 31

POV aling Susan

"Pumasok ako sa bahay, kararating ko lang galing sa palengke."napansin kong tahimik sa bahay. binitiwan ko sa mesa ang mga pinamili ko sabay tawag sa anak kong panganay.
"jasmine anak..... ilang ulit kong tawag pero wala akong narinig na pagsagot nito.
"nasan ba ang babaeng iyon? bulong ko habang nililibot ko ang buong bahay para tingnan sya.

isa na lang ang hindi ko napupuntahan ang kwarto nito. umakyat na ako sa hagdan at didiretso sa taas_sa kwarto nya.

bago ako kumatok, pinakiramdaman ko muna kung maingay sa loob_nakadikit ang tenga ko sa tapat ng pinto. nang mapagtanto ko na walang ingay sa loob kumatok na ako.

pero parang bingi ang anak ko naka-ilang katok na ako pero walang nagbubukas ng pinto.

nagpasya ako na bubuksan ko na lang ang pinto ng walang paalam sakto naman hindi naka-lock ang pinto kaya nabuksan ko...

dahan dahan kong binuksan ang pinto at tumambad sakin ang anak ko na nakaupo sa kama nya at nakayuko ang ulo nito parang nagmumokmok...

lumapit ako at tumabi sa tapat nya.

"jasmine anak, anong problema? hindi mo ba ako narinig ilan beses akong kumatok ah'.

"ma, wag nyo muna akong kausapin please!!! iwanan nyo muna ako kahit sandali, gusto kong mapag-isa. sabi nya habang nakayuko parin sya.

"anak, hindi ako aalis hangga't hindi mo sinasabi ang problema mo? matigas kong sabi.

at sa pagkasabi kong iyon, tumingin na ang anak ko sakin at nakita ko sa bakas ng mga mata nya na sya ay umiiyak."nagulat ako sa aking nakita"
"anak, anong nangyari? bakit ka umiiyak? may sakit ka ba? taranta kong tanong.

"wala po akong sakit ma. tanging sambit nya.

"anak, kailangan kong malaman kung bakit ka nagkakaganyan? hindi mo ba pwedeng sabihin sakin_nanay mo ako! paano kita maiintindihan kung hindi ko malalaman ang problema mo_magsalita ka....

"kasi__ma, si mean iiwan na nya ako_pupunta na sya sa ibang bansa. sabay iyak na naman nya.

nilapitan ko ang anak ko at niyakap ko sya ng mahigpit.

"anak, anong problema doon? hindi ba dapat masaya ka para sakanya.

"ma, naglihim sya sakin... sabi nya hindi kami maghihiwalay dahil bestfriend forever kami tapos ngayon aalis sya.... ma, bakit ganon.

"tahan na anak...alam ko nasasaktan ka, noon paman may pinagdadaanan kana kahit hindi mo sabihin sakin_alam kong may mabigat kang nadarama dyan sa puso mo! ramdam ko iyon anak dahil nanay mo ako kahit hindi ka magsalita o magsabi nararamdaman ko iyon....

biglang napatingin si jasmine sakin parang nagulat sya sa sinabi ko.

"jasmine anak... hindi ka dapat umiyak dahil lang sa nagdesisyon ang kaibigan mo na umalis at tuparin ang pangarap nya.

"ma, hindi naman ako umiiyak dahil sa aalis sya at iiwan nya ako. naiinis ako kasi hindi nya sinabi sakin ang plano nya_ sa iba ko pa nalaman?

"hindi mo ba naisip anak na baka may dahilan si mean kaya hindi nya masabi.

"ma, bakit pakiramdam ko_ ako ang mali!!! malakas na tinig niyang galit.

niyakap ko ulit sya at hinawakan ko ang likod ulo nya upang patigilin sa kakasigaw at galit na nararamdaman sa puso nito.

"The tutor and the Gangster"become LOVERSOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz