"the big revelation"

30 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY SEVEN

"Pagkatapos nang pagkikita nina vincent at jasmine sa isang restaurant... pareho ang nararamdaman nang kanilang mga puso_nasasaktan sila sa nangyari.

"problemado at masakit ang loob ni vincent kaya gusto niyang makalimot at gumaan ang pakiramdam nito kahit papaano at para mangyari iyon idadaan nya sa pag-inom ng alcohol. " niyaya nya ang kanyang tropa sa isang "beer house" gusto niyang magpakalunod sa alak.

una, nagtaka ang tatlo sa pagyaya nito dahil ang alam nila hindi na madalas uminom si vincent...

sa kalaunan, sinabi nya ang problema ni vincent kina ken, john at albert na malabo na ang relasyon nilang dalawa ni jasmine.

"nagulat at nalungkot naman ang tatlo sa balitang nalaman nila mula kay vincent.

"kaya pala ganon ang kinilos ni vincent_yun pala, may pinagdadaanan na itong problema.

bigla tuloy nakonsensya sina john at ken sa mga pinagsasabi nila the past day_biglang nagkatotoo ang kutob nila...

"nasa isang malaking "beerhouse" na sila, nakatingin lang ang tatlo sakanya na walang ginawa kundi tumagay ng alak..

naawa ang tatlo sa sinapit ng kanilang leader_ramdam nila yung sakit na nararamdaman ni vincent.

samantala...

nandito na sa bahay si jasmine. "as usual, ganon parin ang status nya_malungkot at panay ang pagluha nito. ang sakit sakit ng dibdib nya dahil sakakapigil sa totoong damdamin nito.

"ganon ba katindi ang epekto ni vincent sakanya_ganon ba nya kamahal ang lalaking iyon para iyakan niya ng labis...

"nang gabing iyon, tahimik ang bahay ng mga fajardo. wala kang maririnig ni kahit anong kaluskos ng ingay_maging ang mga ibat-ibang insekto hindi mo maririnig.

nasa taas ng kwarto si jasmine_nakahiga lang sya pero hindi sya natutulog. "hindi sya makatulog sa kakaisip sa nangyari sakanilang dalawa ni vincent, hindi nya alam kung may sakit na siyang insomnia o sadyang hindi lang sya makatulog_pinipilit niyang kalimutan at wag isipin ang naganap sakanila ni vincent pero_hindi nya kaya.. kahit anong gawin nya at pang-iiba ng iisipin, bumabalik at bumabalik parin ang alaala at ang itsura ng binata sakanyang diwa at utak.

paiba-iba ang pwesto nya sakanyang kama_ikot dito, ikot doon dahil nga sa hindi sya makatulog.

"12 in the midnight"

habang nakatingin sa kisame si jasmine at ang utak nya_sa wakas blanko na, may narinig siyang isang kakaibang ingay...

una, hindi nya pinansin dahil baka guni-guni lang nya. pero_habang tumatagal lumalakas yung ingay at papalapit ng papalapit ito' kaya nanlaki ang mata nya dahil sa takot.

"ano kaya iyon? bakit pakiramdam ko_may tumatawag sakin. bulong nya sa sarili.

napabalikwas sya nang tayo at pumunta sya sa may bintana upang silipin kung may tao sa labas_hindi kasi sya mapalagay dahil sa kakaibang ingay na iyon.

"hinawi nya ang kurtina ng kanyang bintana at dahan dahan niyang binaba ang tingin nito sa ibaba.
"ano kaya yung ingay na iyon"?

nanlaki at nagulat sya sakanyang nakita. "kung hindi sya nagkakamali_ang nakikita nya sa labas ng bahay nila walang iba kundi si vincent.
"hindi kaya namamalikmata lang ako, ano naman ang gagawin nya dito sa dis-oras ng gabi".

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now