"damayan ng pusong nagmamahal"

69 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY FOUR

"isang gabi_tahimik at madilim...

nandito sa labas ng bahay nila_ si jasmine, mag-isang nakaupo sa tabi ng isang puno at nakatingala sa langit_pinagmamasdan ang mga nagniningning ng mga bituin.

"wala na siyang ibang iniisip kundi ang mga masasakit na nangyari sa buhay nya, pilit man niyang kalimutan hindi nya magawa..

noong isang araw tumawag si vincent sakanya pero hindi nya sinagot at mula noon hindi narin nya binuksan ang kanyang laptop, baka ano pa ang makita nya_ baka mas matindi pa sa una niyang nakita.

"anak...anong ginagawa mo dito...
biglang napakirot sa gulat si jasmine dahil sa biglang pagsasalita ng kanyang ina na si aling susan.

"ma, bakit ba kayo nang-gugulat.. inis niyang sabi sa ina, hawak hawak nya ang kanyang dibdib dahil sa gulat.

"eh' kasi naman, ano bang ginagawa mo dyan sa labas at bakit ikaw lang mag-isa. sabi nya at sya'y naupo sa tabi ng kanyang anak.

"hindi lang kasi ako makatulog ma, atsaka ang ganda kasing pagmasdan ang mga bituin oh' sabay tingin sa taas.

"anak, wag kang magsisinungaling sakin. ako pa! ang niloko mo, nanay mo ako at alam ko ang pakiramdam mo.. bakit hindi mo sabihin sakin ang problema_makikinig naman ako sayo.. seryoso ang mukha nya ng sabihin nya iyon kay jasmine.

"nakatingin noon si jasmine sakanyang ina... nagpaparamdaman at binabasa nila ang iniisip ng isat-isa..

"hindi na nakatiis si jasmine, niyakap nya ang kanyang ina at doon umiyak sya sa piling ng ina.

"ma, patawad!!! alam kong nahihirapan narin kayo sakin... patawarin nyo ako kasi hindi ko sinasabi ang mga problema ko kahit ilan beses ninyong sinasabi sakin na nandyan kayo...

ma, hindi ko na kaya.. ang sakit sakit ng nararamdaman ko...

"kahit nagulat si aling susan sa biglang pagkakayakap ng anak, sinuklihan din nya ito ng yakap..

"tahan na anak ko!!!

"ma, sorry kasi__ nagmahal po ako... nanginginig ang boses nya dahil sa tindi ng pag-iyak nito.

"nak! hindi masamang magmahal.. at kung nasaktan kaman_ganon talaga!!! ang love kasi minsan masaya pero minsan masakit...

"ma, hindi nyo ako naiintindihan... kasi__pahinto-hinto sya sa pagsasalita.

kasi_nagmahal ako ng mas bata sakin ma.. at higit sa lahat nagmahal ako ng isang estudyante ma...

"hindi naman nagulat si aling susan sa pinagtapat ni jasmine sakanya bagkus naawa pa sya sakanyang anak dahil ramdam nya ang bigat at sakit ng nararamdaman ng kanyang puso..

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now