"hindi pa EnD it's new beginning TTATGBL"

47 0 0
                                    

Special Chapter5

sa ngayon ang grupong kanto boys ay buo parin naman yun nga lang hindi na sila madalas magkakasama dahil busy ang bawat isa. kaya ang ginawa ni vincent hinikayat nya ang tropa na magtayo ng business kung saan silang apat ang magkakapartner.

at ang naisip nila isang malaking BAR o kaya naman restaurant.

si jasmine nagpatuloy sa pagiging teacher nito at tutor paminsan-minsan. ang kapatid naman niyang si jake ay nakapagtapos narin bilang criminology at pasado na siya sa board exam at nagpakasal narin sya sakanyang fiance na si Jane after niyang makapasa.

samantala... isang emergency ang nangyari sa kompanya nina mr. and mrs. Park sa newyork kaya agad nila itong pinuntahan kaya wala sila sa bansa.

sa ngayon masaya sina jasmine at vincent sakanilang relasyon bilang magkasintahan, hindi naman sila nagmamadali ngayon. gusto muna nilang i-enjoy ang pagiging dalaga at binata nila dahil ang pag-aasawa malaking level na iyon.

sa ngayon wala silang iniisip na problema, masaya lang sila kahit may kanya-kanya silang gawain o responsibilidad.

nandito ngayon ang dalawa sa isang resort ng mga PARK.

dalawang araw sila doon Saturday and Sunday.. gusto nilang masolo ang isat-isa kaya nagbakasyon muna sila sandali..

hindi pa makapasok sa opisina si vincent dahil hindi pa sya handa. bawal pa kasi siyang ma-stress at mapagod kaya nanatili muna ito sa bahay.

kaya namis nya ang ganito na magrelax at mag-enjoy kasama si jasmine.

ang ginawa nang magkasintahan nagswimming, naglakad-lakad at nagluto ng kanilang makakain.

halos nilibot nila ang malaking resort..

wala nang mahihiling pa si jasmine... dahil nandito na lahat nang inaasam at gusto nya.

ang akala nya hindi na magbabago ang kapalaran nya na puno ng pasakit at paghihirap ang buhay nya nguni't nagkamali sya.

isa lang itong malaking pagsubok at ngayon masasabi niyang nalagpasan na nya ito.

dati, hindi sya naniniwala sa destiny o tadhana pero ngayon naniniwala na sya, nagsimula iyon sa panaginip nya.

natatandaan pa nya noong mapanaginipan nya ang isang matanda na nagsabi na mahahanap na nya ang lalaking mamahalin nya at sinabi rin nya na ang lalaking iyon ang magdudulot ng malaking problema sakanya at nangyari nga iyon..

hindi rin nya makakalimutan kung paano naging mahirap ang pagkakakilala nila ni vincent..

natatandaan pa nya kung paano sya inisin at galitin ni vincent, tinapunan sya ng papel sa mukha nya habang nagtuturo sya ng lesson sa mga estudyante nya, tapos inindyan sya nito noong panahon na nagtu-tutor pa sya sakanya. marami pang karanasan ang dinanas nya sa kamay ni vincent pero ang nangingibabaw sakanya ang pagiging mabuti ng puso ni vincent.

hinding-hindi nya makakalimutan ang araw na naligaw sya noon tapos sobrang takot na takot sya at mabuti na lang dumating si vincent at iniligtas sya nito.

maraming bad memories ang nangyari pero syempre ang good memoires parin ang mangingibabaw sa lahat..

handa nang harapin ni jasmine ang lahat nang pagsubok at problema basta't kasama nya si vincent kakayanin nya iyon. at hind na sya mahihiyang ipakita ang pag-ibig nya para sa binata kahit maraming nakakakita o nakakaalam..

bawal man ang dati nilang pag-ibig noon nguni't ngayon wala ng bawal sa tunay at totoong pag-ibig na nararamdaman ng isang lalaki at babae. basta't wala kang tinatapakan at hinahamakang tao_malaya kang umibig at masaktan..

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now