"I knew you were trouble"

78 0 0
                                    

continuation of chapter 38

"Hindi na makaya ni jasmine ang kanyang nakikita, kailangan na niyang makialam dahil kundi baka ano pang malalang mangyari.

"tama na yan... sigaw nya, tapos lumapit sya sa mga ito'

"ano bang ginagawa ninyo, dito pa talaga ninyo naisipan magbugbugan sa gitna ng kalsada_hindi ba kayo natatakot? pagkasabi niyang iyon, nakita nya ang mga kaaway ni vincent at namumukhaan nya ang mga ito'.

"tingnan mo nga naman, nandito pala si ma'm jasmine. ibig bang sabihin niyan magkasama kayo ni vincent. "so! totoo pala ang balita sainyo noon_na may relasyon kayo? makahulagang tanong ni anthony sakanya, napansin kasi nya ang paglapit ni jasmine kaya nilapitan nya rin ito at kinausap. bago sya nakipag-usap sa dalaga tiningnan muna nya si vincent, mabuti na lang abala ito' sa pakikipagsuntok sa iba niyang kasamahan.

"tigilan mo na to' hindi paba kayo nagbabago? tama na... baka makita kayo ng mga pulis at hulihin nila kayo... nagmamakaawa ang tinig nito.

"wag mong ibahin ang usapan ma'm jasmine, tinatanong ko kung naging kayo ni vincent? O mas magandang itanong dyan_naging kayo ba ng estudyante mo? binigyan nya ng masamang tingin si jasmine pagkatapos ngumiti sya na may halong inis at pagkabwisit.

"bakit hindi ka makasagot, ibig sabihin lang yan_totoo diba? sa totoo lang kung ako ang nasa kalagayan mo, iga-grab ko talaga ang opportunity na iyon dahil bihira ka lang makatagpo ng mayaman at sikat na tao, hindi ba ma'm jasmine?

"samantala... habang busy sa pakikipagsuntukan si vincent sa mga kasamahan ni anthony, nakita nya si jasmine at si anthony na parang nag-uusap ang mga ito'

kahit na sumusuntok sya, nakatuon ang paningin nya kay jasmine, hindi nya magawang makalapit sa dalaga dahil sa mga hindi nadadalang mga lalaking ito' suntok parin sila ng suntok sakanya, hindi nila tinitigilan si vincent.

pero_umiba ang aura at mood ni vincent nang makita nya ang mukha ni jasmine na parang malungkot at parang maiiyak.
''ano kaya ang ginawa nang gagong anthony na iyon kay jasmine" galit niyang bulong sa sarili.

"at dahil narin sa galit at inis nya. "tumindi ang lakas at liksi nya sa pakikipagsuntok, hindi na nya napigilan ang kanyang sarili, nagwawala na sya. kailangan niyang makalapit sa dalaga. ''kaya buong pwersa niyang sinugod at pinagsusuntok ang ka-grupo ni anthony may halong sigaw at gigil ang ginawa nya.

"napabagsak na nya ang lima, saka sya mabilis na lumapit sa kinaroroonan ni jasmine at anthony at walang anu-ano, sinuntok nya sa mukha si anthony dahilan para bumagsak ito sa lupa..

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now