"bestfriend LQ"

45 1 0
                                    

CHAPTER THIRTY ONE

Makalipas Ang Limang Buwan.

"Sa paglipas ng limang buwan, marami ang nangyari sa buhay ni teacher jasmine tulad na lang ng palagi nilang pamamasyal ng kanyang bff na si mean o kaya tuwing linggo nagsisimba sila.

at ang pakikipagcommunicate nya sa internet kay vincent.

minsan nagcha-chat sila, video chat at minsan tru Skype. hindi naman sila araw araw nag-uusap sa internet o kahit saanman site ng internet dahil may kanya kanya silang gawain. noong minsan tinanong ni vincent kay jasmine kung bakit hindi sya nakapunta sa araw ng flight nya, ang dahilan na lang ni jasmine may inasikaso sya na hindi nya maiwan. hindi nya pwedeng sabihin ang totoo dahil baka ano pang mangyari.

sa ngayon.. ganon ang palagi ni lang ginagawa pero madalas siyang tawagan ni vincent sa cellphone, minsan nga nagtuturo sya noon nang tumunog yung phone nya at yung huli noong nakipagmeeting sya sa mga faculty teachers at members.

"kahit na pakiramdam nya na nasa tabi lang nya si vincent hindi parin magawang maging masaya ni jasmine, hindi sya mapanatag at natatakot sya sa araw-araw na lumilipas. maraming taon pa ang bibilangan nila kaya marami pang mangyayari na hindi nila aasahan.

pero may nagbibigay naman ng lakas ng loob sakanya ang mga kaibigan at pamilya nya.

"Sunday"...

nagbibihis na si jasmine para magsimba. habang nagbibihis sya may natanggap siyang text mula kay mean.
"sorry best,hindi kita masasamahan magsimba ngayon kasi may importante akong lakad ngayon as in super mahalaga sakin. next time na lang, bawi na lang ako jassy.

"ay!!! si mean talaga, sabi nya after namin magsimba pupunta kami sa bahay ng boyfriend nya_doon sa may resort. bulong nya habang tinitingnan ang sarili sa salamin.

"mag-isang nagsimba si jasmine, nakaugalian na nya ang palagiang pagsimba, nawawala kasi ang bigat na nadarama nya kapag nakikita nya ang tahanan ng nasa taas."hobby na nya ang simbahan".

dito sya laging nagsisimba sa simbahan ng quiapo.. kahit maraming tao at siksikan talaga, okay lang sakanya ang mahalaga makasimba at makahingi sya ng gabay at kapatawaran sa poong may kapal...

**********

pagkatapos nang misa, naisipan ni jasmine bumili ng puto at bibingka_pasalubong sakanyang pamilya. habang nakapila sya, may biglang may kumalabit sakanyang likod. napalingon sya sakanyang likuran at nakita nya ang ina ni mean na si tita Mary.

"jasmine...sabi kona nga ba ikaw yan... masayang sabi nya sa dalaga.

"tita mary? anong ginagawa nyo dito? sino pong kasama ninyo. sunud-sunod niyang tanong.

"nagsimba ako...ako lang mag-isa hija? ikaw sinong kasama mo. tanong nya habang tinitingnan nito kung may kasama ang dalaga.

"The tutor and the Gangster"become LOVERSМесто, где живут истории. Откройте их для себя