"ikaw parin"

43 0 0
                                    

CHAPTER FORTY

"Kasalukuyan nasa board meeting si vincent, ka-meeting nya ang mga nag-iinvest sakanyang kompanya.

naging maayos naman ang pagpupulong ng mga ito!

nagkamayan ang mga investors sa mga staff ng hotel nangunguna nadyan ang president na si mr.vincent park.

unang lumabas si vincent sa naturang kwarto at sumunod ang mga staff nya at ang mga investors. halos masaya at nakangiti na lumabas ang lahat nang nakipagmeeting lalong-lalo na ang director at general manager ng hotel park.

nguni't sakabila nang saya na nararamdaman nila isang nakakagulantang na eksena ang nasaksihan nila sa tapat pa ng "office of the president".

ang secretary nya na si ms.Ong at ang babaeng hindi nya inaasahan na makikita nya doon_si Jasmine. nagsasabunutan dito sa mismong taas ng hotel. na-shock naman ang mga investors sakanilang nakita.

"bitawan mo ako miss Ong, wala akong panahon makipag-away sayo.... sabi ni jasmine na pilit na inaawat si audrey sakanyang ginagawa_nasasaktan na sya.

"hindi kita titigilan, hangga't hindi ka tumitigil sa pagpapakita mo kay vincent. sabi nya na talagang sukdulan ang galit nito kay jasmine.

"hindi na makatiis si jasmine sa nangyayari, pag-hindi pa sya lumaban kawawa ang kalalabasan nya. balak na sana niyang lumaban at gantihan din ng sabunot si ms.Ong kaso_ buong pwersang tinulak sya ni audrey kaya na-out of balance sya dahilan para mapaupo sya sa sahig at nabitawan nya ang hawak nitong folder. sakto sa pwet ang pagkakabagsak nya dahilan para masaktan at napabulong sya ng "Ouch ang sakit"

hindi nya napaghandaan iyon.

pupulutin na sana nya ang dalang folder nito kaso napansin niyang may taong umupo sa tabi nya at pinulot din yung folder na dapat sana kukunin nya sa sahig.

tiningnan nya yung taong iyon at parang mahuhulog ang puso nya nang makita kung sino ang taong pumulot nang folder nya_si vincent.

lalo siyang nabigla nang ilahad ng binata ang palad nito. gusto siguro siyang tulungan makatayo!!!

"hindi na sya nag-isip, tinanggap nya ang kamay nito para tuluyan na siyang makatayo dahil sa totoo lang hindi nya kaya dahil nasaktan sya ng husto.

"vincent.... tawag ni audrey sakanya. hindi nya inaasahan na makikita sya ni vincent nang ganon at ang masama, napansin din nya na may tao sa likuran nila. tingin ni audrey, mga investors ang nakatingin ngayon sakanila, nakita nila ang ginawa niyang kamalditaan.

"galit na inarapan ni vincent si audrey. "miss Ong, anong kalokohan ang ginawa mong ito! nakita ka ng mga investors, mga client natin sa ginawa mo..

"eh' ano ngayon kung nakita nila ako! kasalanan nang babaeng iyan. sabay tingin kay jasmine. "kung hindi nya sinabi na magkikita kayo hindi ako magkakaganito.. may halong kasinungalingan na sabi nya.

"The tutor and the Gangster"become LOVERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon