"missing you"

38 0 0
                                    

Continuation of chapter 39

"bumangon sakanyang kama si vincent na masakit ang ulo at katawan.

wala talaga siyang maalala sa nangyari, ang huli niyang natatandaan may sinuntok siyang lalaki doon sa bar tapos sa sumunod non, hindi na nya maalala.

gulo gulo ang buhok nya nang naisipan na niyang tumayo at pumunta sakanyang kitchen upang makapaghilamos.

nanlaki at nagulat sya sa nakikita ng kanyang mata. may isang babae na nakatalikod doon sa cooking area ng kusina nya na tila nagluluto ito!
"bakit may babaeng nakapasok sa condo ko at sino ang babaeng ito? bulong nya sa sarili na nagtataka sa nangyayari.

naguguluhan at napapabuntong-hininga sya dahil hindi nya matandaan ang nangyari sakanya.

"hindi kaya may dinala akong babae dito sa condo ko_at saan ko naman nakuha ang babaeng ito! inis niyang bulong na naman sa sarili.

"sino ka? curious niyang tanong.

napakirot naman si jasmine sa biglang pagsalita sa may likuran nya at alam niyang si vincent iyon.

"bigla siyang nakaramdam ng kaba nang sandaling iyon, hindi nya alam kung kaya ba niyang harapin ang binata sa ganitong sitwasyon..

sigurado, mabibigla sya kapag nakita sya nito.

pumikit muna sya sabay buntong-hininga.

at dahan dahan na siyang humarap sa binata.

"jasmine............................... sambit ni vincent. nanlaki ang mga mata nya pagkakita nya dito.

gulat na gulat sya sa nangyayari, alam nya na hindi iyon panaginip.

"ahmm... alam ko nagulat ka! ang totoo niyan kaya ako nandito dahil pinakiusapan ako ng mga kaibigan mo.. sabi nya na ang bilis ng tibok ng puso nya dahil sa kaba.

"syangapala, pinagluto kita ng mainit na sopas para mawala ang hangover mo... sabi nya habang inaalis na nya ang apron na nakasuot sa katawan nya.

naguguluhan parin si vincent sa nangyayari, "paano nakapasok si jasmine sa condo nya kung hindi naman nya alam ang code o password ng kanyang unit.

habang nag-iisip sya, napansin niyang naglakad na si jasmine papunta sa pintuan. parang aalis na ito!

kaya hinabol nya ito at nagtatanong ang kanyang isip at puso.
"jasmine... sandali! saan ka pupunta?
Hindi mo pa sinasabi sakin kung bakit ka nandito, at dito ka ba natulog?

nahinto sa paglakad si jasmine at inarapan nya ang binata.
"kaya ako nandito dahil hiniling nina ken na puntahan ka sa bar dahil hindi ka daw nila mapigilan sa mga kabaliwan mong ginagawa.
"Oo dito ako natulog dahil binantayan kita kasi baka anong maisipan mong gawin kung mag-isa ka lang_sobrang lasing mo kagabi.
ang mabuti pa kainan mo na yung soap bago pa tuluyan lumamig iyon.

"The tutor and the Gangster"become LOVERSWhere stories live. Discover now