Kabanata 28.The Eight Bloody Moon

6.2K 277 4
                                    

Chapter 28

The Eight Bloody Moon

Peter's Point of View

"Suotin niyo na ang inyon mga armor!Ilang oras nalang bago magsisimula ang ikawalong-digmaan!Ang mga sandata at patibong!Ihanda niyo na!"anunsiyo ko.

Walong oras nalang bago magsisimuma ang bloody Moon.Nagtataka kaming lahat kung bakit napakabilis naman para sa amin ito.

"Peter!Handa na yung iba...Yung mga patibong  nailagay narin sa BattleField"saad ni Alexander  na mula sa Aquarius.

"Salamat Alex"

"Bro......Napapansin mo ba?"kunot-noo akong nakatingin sa kanya.

"Ang alin?"

"Nakikita ko kasi si JL noon na....nagsusuot siyang ng pulang cloak"

Bigla ko na lamang naalala ang sinabi niya.Oo nga!Minsan ko narin nakikita si JL na nagsusuot ng red cloak.

"Posibleng si JL ang pulang nilalang na yun na tumutulong sa atin.Posibleng buhay siya"

"Posible ring hindi.Bro,wag muna natin yan pag-usapan ilang oras nalang magsisimula na ang digmaan"saad ko.








Queen Mira's Point of View

"Handa ka naba aking anak?"

"Oo naman po Mother"

"Dapat lang talaga"

"Hehehe.Sige Mother...Mauna na ako sa labas"

Napaupo na lamang ako sa kama niya habang pinagmamasdan ang kanyang mga kagamitan rito.Bakit...nong una ko palang nakita ang anak ko ay parang hindi man lang ako masaya non,parang wala lang talaga sa akin.Pero nagpapasalamat naman ako na nakita ko na siya.Hindi kaya siya tinuturuan ng mabuting asal sa kanyang mga magulang don sa mundo ng mga tao?Sa pagkakaalam ko kasi mabait ang nag-alaga kay Merabella.

Napatingin ulit ako sa aking korona na binigay ko sa kanya.Kumunot ang aking noo ng makitang,nag-iiba ata ang aking korona.Kukunin ko  na sana ito ng bigla na lamang bumukas ang pintuan.

"Mother,3 hours nalang kailangan na nating pumunt don"saad ng aking anak kaya tumango lamang ako saka lumabas sa kanyang kwarto.

"Jessyvel?"tawag ko sa kanya at agad naman siyang lumingon sa akin.

"Nakalimutan niyo ata ang pangalan ko.I'm Princess Merabella!"

"Ikaw nga ba talaga ang aking anak?"diretsong tanong ko at natigilan naman siya.

"Ma...Hindi ka ba talaga maniniwala sa akin?Kung ayaw...edi ayaw....wala naman talagang naniniwala sa akin noon pa"

"Hindi naman-"

"Tama na muna ang usap ma.Ikawalong digmaan na ngayon"giit niya at nauna ng naglakad.







JL's Point of View

Nandito ako sa mataas na puno humihiga habang pinagmamasdan silang lahat sa Battle Field.Malapit na ang oras at magiging pula narin ang buwan.Exciting to!Sigurado naman na mananalo kami dahil mga losers ang mga Black A na yan.Charrot lang.Abala rin ang iba sa paglalagay ng mga patibong sa iba't ibang parte ng kagubatan.At pati narin ako,nakikitulong narin.Hihihi.May sarili rin kaya akong patibong ginawa.Pag natapos na talaga ang lahat ng to,gusto kong mag experiment ng mga iba't ibang klaseng bombs.

Nakita ko sina Peter at Alexander na papunta narin sa Battle Field at sumunod rin sa kanila ang Mga Reyna at Prinsesa.Gorashhhhh!Nakita ko rin si Jessyvel na kinakabahan.Hihihi.Ang sarap talagang mag transform na multo at tatakutin siya.Hahaha.Kaso,wag nalang.Tatakutin ko nalang siya pag buking na siya sa kanyang mga plano.Alam ko namang anak siya ng Hari at Reyna sa Black A.Nalaman ko lang dahil namasyal ako sa Black A at nakita ko ang malaking litrato ni Jessy don.Real name pala niya..... Moravia Titus.Ang ganda sana ng pangalan kaso,pangit lang ang ugali.

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon