Kabanata 27.Eyes with a Fire

6.2K 262 1
                                    

Chapter 27

Eyes with a Fire

Princess Celestine/Elizabeth's Pov

Simula nong nailigtas si Rozelle sa pulang nilalang,hindi narin ito nagpakita at nagparamdam.Ilang araw na rin simula nong may sumugod rito na taga Black A pero di man lang kami tinulungan.Walang pulang nilalang,walang diyosa.

"Princess Celestine?"

"Oh!Kanina pa ba kayo diyan?"

"Ngayon lang"si Princess Ana.

"Iniisip mo naman ba yung pulang nilalang na yun?"Princess Sofia.

"Wag mo na yung isipin.Yun lang naman ang iniambag niya.Ang mailigtas si Roz.Hindi narin siya nagpaparamdam simula nong unti-unti tayong nilusob ng mga kalaban"

Napaisip na lamang ako.Bigla na lamang pumasok sa aking isipan baka dinakip na siya ng Reyna ng Black A.O di kaya'y,sinasadya niya talagang hindi kami tutulungan dahil may malaking dahilan ito.

Tumayo ako at pinagmasdan ang labas mula sa aking bintana.At nanlaki na lamang ang aking mga mata ng makita sa taas ng puno ang pulang nilalang at nakatalikod ito mula sa amin.Matalas ang paningin ko kahit gabi.

"Princess Celestine?Anong nakita mo?"

"Halika nga kayo!"tawag ko at agad naman silang lumapit sa akin.

"Ano?"

"Tingnan niyo yun"

Turo ko sa malaking punong kahoy kung san nandon ang pulang nilalang na nakatalikod.

"Ang pulang nilalang"

Dahan-dahan itong lumingon sa aming kinaroroonan at bigla na lamang kaming napaatras dahil sa nakita.Ang kanyang mga mata......mga matang umaapoy.Mga matang ngayon ko lang nakita.Hindi namin maaninag ang kanyang mukha.Bakit ganon?

"Eyes with a Fire"bulong ni Princess Sofia habang nakatingin parin kaming tatlo sa kanya.

Ang mga mata ng pulang nilalang na ito ay unti-unting naging pula na parang buwan na dumudugo.

"May sign"saad ko.

Bigla na lamang nawala na parang bula ang pulang nilalang saka naman ako nakahingan ng maluwag.

"Anong sign?"

"Bukas...Bukas ang Eight Bloody Moon!"

"Kailangan na natin tong ipaalam sa lahat"








Jessyvel's Point of View

Kumunot ang aking noo ng makita ang tatlong Prinsesa na para bang natarantang lumabas ng Kaharian.

"Where are you going!"sigaw ko at natigilan naman sila."Saan kayo pupunta!?Tatakas kayo!?"

"Excuse me?Kailangan lang namin ipaalam sa lahat na bukas ang pang walong digmaan.Wala naman rito ang ating mga Ina dahil nandon sila sa Academy nakikipag-usap kay Dean"si Eli.

"Kung tumulong ka na lang kaya.Wala kang silbing Prinsesa"napalunok ako sa sinabi ni Bella.

"How dare you!Wala kang karapatan para pagsabihan ako ng ganyan!"sigaw ko.

"Malapit na.....Magdasal ka nalang...Baka......Ma echapwera ka....Fake Princess"

D0___________0d

"Let's go"

Wala silang karapatan para pagsabihan ako ng ganon.Patay na ang totoong Prinsesa nila.At ako,ako na ang magiging Queen.At silang lahat,ang papatayin ko.Iisa-isahin ko sila..Mga hangels!











JL's Point of View

WALA TALAGA AKONG KAMALAY-MALAY KUNG BAKIT KO YUN NAGAWA KANINA!

SAKA ko na nalaman na tapos na.Umaapoy ang aking mga mata.Hindi ko talaga kung ano ang dahilan.Pero nararamdaman ko na paunti-unti na akong lumalakas.At nagsasaad na ito na bukas narin ang ikawalong-digmaan.My gosh!

Nagpakita ako sa  tatlong prinsesa kanina at di ko alam kung nakita ba nila ang aking beautiful face.Huhuhuhu.Bakit naman kasi sa akin pa ito binigay.May pagka topak naman ako bakit sa akin pa!?

Bumalik ulit ako sa sa Academy para tingnan kung anong mga ginagawa nila at....sa ngayon,pinapaalam na ng tatlong prinsesa ang kanilang nakita kanina.Gosh!!!Kakalat na naman ang artistahin na si ako!Pano na yan!






Peter's Point of View

"Nakita talaga namin ang pulang nilalang kanina!Totoo..Yung mga mata niya....umaapoy"wika ni Princess Celestine.

Nandito kami ngayon sa office dahil pinapatawag kaming mga leos at Aquarius ni Anker.

"Leos!Aquarius!Ipaalam niyo ito sa lahat na kailangan na nating maghanda ngayon para sa ikawalong digmaan"utos ni Reyna Mira.

"Mausunod Mahal na Reyna"






Woman's Point of View (Black A Queen)

The Eight Bloody moon is coming.Ang bilis naman talaga ng pahanon.At naaamoy ko narin ang aming pagtatagumpay.Humanda nalang talaga sila,dahil malapit na silang mamatay.



Short ChapterXDLol
TO BE CONTINUED.......

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now