The Part 2:Chapter 10

2K 112 11
                                    

Pressley's POV

"Attention Sapphireans!All of you,proceed to Arena.Now!"

Lahat kami ay nagsitayuan na ng mag anunsiyo ang Anker mula sa malaking speaker na nakalabit sa taas.Hindi ko alam kung anong gagawin namin sa Arena dahil wala rin namang sinasabi ang Dean  sa amin nong nakaraang araw.

Pagkarating namin sa Arena,ay narito narin si Dean at ang Anker.I guess,they announced our first mission.Nabanggit rin kasi ni Mom sa akin na may mission raw kami at hindi niya sinasabi kung kailan kami magsisimula,at kung anong klase ring mission.

"Bukas na bukas,magtetraining kayo gamit ang mga sandata.Hindi sa training hall,kundi dito sa loob ng Arena.Magpahinga muna kayo sa ngayon,dahil bukas,buong araw kayo magtetraining.That's all.Magtungo na kayo sa inyong mga dorm"anunsiyo ng Anker.

"Javier,Gianina,Marcus,Pressley,Naomi,Jessa and Lily"huminto kami sa paglalakad ng tawagin kami ni Dean."Maiwan muna kayo"aniya kaya lumapit kaming pito sa kanila.

"Bakit Dean?"tanong ni Naomi.

"May mission kayo"sabi niya dahilan ng manlaki ang aking mga mata.Sabi ko na nga ba eh!

"Anong klaseng mission?"tanong ko at tumingin muna ito kay Anker.

Anker held her hand at lumabas rito ang isang Golden Crest.Di ko mapigilan ang mapamangha sa ganda ng Crest.

"Starting tomorrow,maglalakbay kayo papuntang hilaga para hanapin ang Golden Crest.Kailangan natin ito para mapanatilihing protektado ang buong Sapphire.Don't worry,may ibibigay akong map kay Pressley"

"For  now,maghanda na kayo"

Lumabas na kami sa Arena at nagtungo na ng dorm.Hindi ko akalain  na ang magiging mission namin ay maglalakbay kami papuntang hilaga,para hanapin at kunin ang isang Golden Crest.Bigla ko na lamang ata  ako naeexcite para bukas.Sana naman maging matagumpay ang mission namin.

Kanya-kanya muna kaming pumasok sa aming mga kwarto para ihanda ang aming mga gamit para sa paglalakbay.Aish~kaikan kaya kami makakabalik rito?At kailan kaya namin matatagpuan ang Golden Crest na yun?Argghhh.Advance lang talaga ako mag-isip.

Pagkatapos kong inayos aking gamit para sa paglalakbay,ay lumabas muna ako ng dorm para magtungo ng office.Yung sinasabi ni Mom na ibibigay niya raw sa akin ang map,ay kukunin ko ngayon.Para naman diretso na kami bukas sa field.Iwan ko ba kung bakit ako naeexcite ngayon eh bukas pa naman yun.Psh.Siguro,gusto ko na talagang maranasan kung anong pakiramdam na kapag naglalakbay kasama ang mga kaibigan.Badtrip nga lang dahil kasama si Naomi.

Binuksan ko na ang pintuan ng office at pumasok.Naabutan ko naman si Dean na nakaupo sa kanyang swivel chair habang nagbabasa ng libro.Agad niya naman itong sinara ng makita niya ako.

"Hi"nakangiting pagbati ko sa kanya saka umupo sa sofa.

"Are you ready for tomorrow?"she asked.

"Excited"I giggled.

Tumayo siya at nagtungo sa kanyang drawer.May kinuha siya rito na isang lumang papel na naka roll.I guess,ito na yung map na sinasabi niya.Lumapit siya sa akin at inabot sa akin ang papel.Kinuha ko naman ito at pinagmasdan.Makapal ang papel na ito at sigurado ako na kahit nababasa,ay hindi ito mapupunit.

Umupo siya sa aking tabi,kaya binuksan ko na ang map.Tumambad sa akin ang malaking lugar ng Sapphire.May marka rito na papuntang hilaga kung saan kami maglalakbay.Mukhang,aabutin kami ng ilang araw nito depende sa aming pagod.

"Mag-iingat kayo sa paglalakbay.Lalong lalo na ikaw"aniya sabay kurot sa aking pisnge.

"Wala ka bang tiwala sa akin Mom?Syempre,mag-iingat po talaga kami.At babalik kami rito,na dala na yung Golden Crest"

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now