The Part 2:Chapter 1

4.5K 160 14
                                    

After 20 years

Pressley's POV

"Aray!"sigaw ko ng bigla na lamang may humila sa aking mahabang buhok.

Alam ko na sina Naomi na naman ito.Bakit ba hindi nila ako kayang,tatantanan!?Sabagay,talagang hindi nila ako titigilan dahil sa aking kagandahan.Eh kasi ba naman halos  lahat ng na crush nila ay may gusto sa akin eh wala rin naman akong gusto sa crush nila na mukhang pwet.Char.

"Ano ba!Ang sakit!"sigaw ko muli pero patuloy parin nila akong sinasabunutan.

Nilabas ko ang aking kapangyarihang tubig at gumawa ng waterballs.Tinapon ko iyon dahilan ng tumalsik ang mga to.Inayos ko ang aking buhok at saka kinuha ang aking mga gamit.Dali-dali naman silang tumayo at kanya-kanya nitong nilabas ang kanilang kapangyarihan.

"Ano na namang kaguluhan to Naomi!"

Nakahinga naman ako ng maluwag ng biglang dumating ang Dean.Yumuko naman ang tatlo ng humarap si Dean sa kanila kaya ngumisi ako ng nakakaloko.

"Pressley"napaangat ako ng tingin ng tawagin ako nito."Halika rito"sabi niya.

"Dean,sila po talaga yung nauna"nakasimangot na sabi ko.

"Alam ko.Kaya kayong tatlo,linisin niyo ang buong third floor!"

"Pero-

"No buts!"

Matalim munang tumingin sa akin si Naomi bago umalis.Natawa naman ako ng mahina dahil sa reaksiyon nila.Muli akong tumingin kay Dean na ngayo'y seryoso na itong nakatingin sa akin.

"Hindi parin ako titigilan ng mga hampaslupang yun Dean.Ano ba naman kasi,sobrang ganda ko,dapat ang gaya nila ay ipatapon"biro ko at sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Feelingera ka talaga Pressley.Pumunta kana sa dorm mo"

"Okay po"

Dito ako nag-aral ngayon sa Sapphire Academy.Simula nong bata pa ako,ay dito na talaga ako nakatira.Tahanan ko na ang malaking academy nato kung saan nag-aaral ang mga teen agers na gaya ko na may angking abilidad.

Ako nga pala si Pressley Samornee.18 years old and no boyfriend since birth.Gulat kayo noh?Sa ganda kong to,magkakaboyfriend,arghhh wala parin naman yan sa isip ko.Ang goal ko kasi ay mahanap yung mga magulang ko.Oo,since birth,wala akong mga magulang.Inaalagaan lamang ako ni Dean Rozelle pero sinabi na niya sa akin ang totoo na hindi ko siya Ina.

Iwan ko ba kung anong nakain ng mga magulang ko kung bakit nila ako iniwan rito.Pagkarating ko sa dorm,ay ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama at tumingala sa kulay asul kong kisame.I'm a water user.And I'm so lucky because I'm one of the powerful of the Four Elements.

"I heard that you and Naomi with her two alipores are sabunot-sabunot raw in the hallway"umangat ang tingin ko sa babaeng kakapasok lang sa aking kwarto.

She's Gianina.An air user.My bestfriend.

"Chismosa ka talaga"sabi ko at binato naman ako nito ng unan."So,kumustang training?"tanong ko sa kanya at humiga naman ito sa aking tabi.

"Na master ko na kung paano kontrolin ang powers ko"sagot niya at tumango lamang ako.

"Wazzup madlang peps!Tara sa Cafeteria!"

Sabay kaming bumangon ni Gianina sa biglaang  pagdating ni Lily.Ang pinakamaingay sa amin.She's an Electricity user.

"Tara na Press"yaya ni Gianina.

"Magbihis muna ako.Mauna na kayo"sabi ko at lumabas naman ang dalawa sa aking kwarto.

Walang gana akong naglakad papunta sa cabinet at kinuha ang aking pants at t-shirt.Pagkatapos kong mag bihis,ay lumabas ako ng dorm at nagtungong cafeteria.Kanina pa ako gutom,kaya,todo-todohin ko na ang pagkukuha ng mga pagkain.Total,hindi naman mauubos ang mga pagkain don.Tsk.

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now