Kabanata 22.Nightmares

6.2K 263 2
                                    

Chapter 22

Nightmares

Queen Mira's Point of View

Nagising ako sa isang kagubatan.Agad akong napabangon at saka nilibot ang aking paningin sa paligid.Naglakad ako sa gitna ng madilim na kagubatan habang niyakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng hangin na sumalubong sa akin pagsabay ang pag-ambon.

"Ina!"

Bigla akong napahinto ng may tumawag sa akin.Nilibot ko ang aking paningin pero wala akong nakitang tao.Boses ito ng isang babae.

"Ina!"sigaw na naman niya.

"Merabella!"tawag ko.

"Ina"

Lumingon ako sa aking likuran at don ko lamang nakita si....Joana.Mas lalo akong nagtaka kung bakit niya ako tinawag na Ina.

"Joana?"

"Ina!Tulong!"

Bigla na lamang siyang pinaslang ng isang.....Ng isang babae.Ngumiti ito ng nakakaloko sa akin.

"Hahahaha!Wala ka man lang nagawa para sa anak mo Mira?Kawawa!Yung inakala mong  kalaban,ay ang nawawala mo palang Anak!"

Parang gumuho ang aking mundo ng mawala nalang bigla ang babae.Agad akong lumapit sa kinaroroonan ni Joana.Di ko alam pero....ang bilis na ng tibok ng puso at bigla na lamang akong napaluha.

"Joana?"

"Isinusumpa ko!Gagantihan kita"

Lumayo ako habang pinagmamasdan siya.Anong pinagsasabi niya.

"Isinusumpa ko!!!!!!"sigaw niya hanggang sa bigla na lamang siyang naglaho na parang bula.....

"Joanaaaaa!!!!!!!!!"

"Joana!"








Peter's Point of View

"Peter!"

Dahan-dahan kong minumulat ang aking mga mata at bumungad sa akin ang puting kisame.Nilibot ko ang aking paningin at....parang na sa hospital ako.Nandito ako sa mundo ng mga tao?Papaanong?

"Peter!Gising kana!"lumapit sa akin ang isang babae....

Isang babae na nag-aapoy ang kanyang mga mata.

"JL?"

"Peter!Kailangan na nating bumalik sa Sapphire!Peter!"agad akong bumangon.

Nagtaka ako ng bigla na lamang siyang lumabas kaya tumayo na ako at lumabas sa kwarto para sundan siya.

PAGLABAS KO PALANG,nakita ko siya sa di kalayuan habang may kinakausap sa isang walkie talkie.Teka~bakit ko alam ang mga bagay rito?Hindi ako lumaki sa mundong to.

"Peter!Umalis kana!Peter!"sigaw niya pero nakatitig parin ako sa kanya.Ang daming mga tanong ang pumasok sa aking isip.

"Anong nangyari JL?"

TUMAKBO SIYA papunta sa aking direksiyon at ng makalapit,hinawakan niya ang aking magkabilang balikat.

"Umalis kana rito.Bago ka pa patayin nila.Peter,kailangan mong bumalik sa Sapphire. Kailangan ka nila."

"Ano bang nangyayari JL?!"di ko mapigilan ang mapasigaw.Naguguluhan na ako.

LUMAYO SIYA sa akin ng ilang hakbang.

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now