Kabanata 1.The Magical Academy

25K 591 21
                                    

Chapter 1

The Magical Academy

"Pamela one.....Igalaw ang katawan...Pamela two...sumayaw ng ganito...Igiling giling oh yeah!"

Napatigin ako sa mga bata na naglalaro sa labas ng aming bahay.Habang ako,ay mukmok lamang sa kwarto at binabalaan ng aking Ina na bawal akong lumabas.Ako'y nasa labing walong gulang na pero atat na atat parin akong maglaro kasama ang mga bata.Di ko kasi naranasan ang ganong bagay simula pa lang na lumabas ito.Ang aking tinatagong sekreto at ang aking Ina lamang ang nakakaalam.

Labing isang taong gulang ako non,ng bigla na lamang nasunog ang aming bayan.May mga namatay,pero mas marami ang nakaligtas at nasugatan.Sabi nila,may diablo dito sa aming bayan at galit na galit ang mga tao ngayon.At ako.....ako ang kanilang tinutukoy...Pero di nila alam na ako ang nakasunog sa bayan.Sobrang sakit para sa akin...Dahil kasalanan ko,nagawa ko na hindi ko naman sinasadya.Hindi ko makontrol ang aking kapangyarihan.Bakit ako ganito?Sino nga ba talaga ako?San nga ba talaga ako nanggaling?Sino ang totoo kong mga magulang.

"JL?Ito nga pala yung kwentas nong napulot kita sa gubat.Anak..ingatan mo yan"naiiyak na sabi ng aking Ina sa akin..Oo,isa lamang akong ampon...

"Anak?Sigurado ka ba sa iyong desisyon?"tanong na naman niya kaya agad ko siyang niyakap.

"Ito lang yung paraan Ma para bumalik ang masasayang ala-ala sa bayan nato.Kailangan kong pumasok sa gubat kung saan niyo ako unang napulot"sabi ko at saka inimpake na ang aking mga gamit.

"Tatandaan mo ito anak.Mahal na mahal kita.Mahal na mahal ka ni Mama kahit hindi ka nanggaling sa aking sinapupunan"

Napapikit na lamang ako.Ang sakit para sa akin na hindi ko siya totoong Ina.Napakabait at napaka alalahanin niya sa akin.Gustuhin ko mang makasama siya panghabang buhay,pero hindi rin matatahimik ang aking kapangyarihan panghabang buhay.Kailangan ko ng kasagutan.Ayoko ng magulong isipan hanggang sa mabaliw ako.Gusto kong makahanap ng lugar kung saan nga ba,karapat-dapat ako  at malayo sa mga tao para hindi ko na muli silang masaktan.Walong taon akong nagdusa,nagsisi sa lahat ng pinatay ko.Pinatay ko ang mga tao sa aking sariling  kapangyarihan ng hindi ko sinasadya.

"Babalik naman ako Mama pag nasagot na yung mga tanong ko.Question and Answer kumbaga"pagpapatawa ko pero kahit ni isang tawa man lang niya ang hindi ko narinig.Alright!Alam kong nalulungkot na talaga siya dahil mamimiss niya ako.

Lumabas na ako sa bahay habang dala ang aking mga gamit.

"Anak!"tawag ng aking Ina pero di na ako lumingon pa..

Ayokong lumingon...dahil masasaktan lang ako..

Tuluyan na akong nakapasok sa malaki at madilim na kagubatan.Malapit lamang ito sa aming bahay.Maingat akong naglakad baka kasi,may maapakan pa akong ahas.Habang ang aking mga kamay ay nasa aking magkabilang bulsa.Kapag nilabas ko kasi ito;baka masunog pa itong kagubatan.Malalagot talaga ako sa mga tao.Ako pa naman ang tinutukoy nilang Diablo.Mabait akong babae at wala akong kinamumuhian,pero bakit binigay pa ito sa akin.Ayos lang sana sa akin kung bibigyan nila ako ng sakit.Atleast hindi ako makakagawa ng kahit anong,makakapahamak sa aming bayan.

Malapit ng gumabi kaya mas binilisan ko pa ang paglakad.Alam ko,malayo na ako sa aming bayan.Napakalaki kasi ng gubat nato.At tsaka napakawerdo raw sabi nila.May werdo pala na kagubatan?Pero para sa akin,isa itong mahiwaga dahil yung iba raw,nakakapasok rito,pero di na rin ito nakakabalik pa.Nakaramdam rin ako ng takot pero....Keri naman para sa akin dahil may apoy ako.Ang aking kapangyarihan ay apoy.Bakit di nalang Ice,Water or electricity?Bakit fire pa?

Madilim na ang lahat.Habang nasa kalagitnaan ako ng paglalakad,ay naaninag ko ang isang tulay patungo sa...iwan ko ba kung saan ito patungo.Wala namang mawawala sa akin kung susubukan ko diba?Kaya susubukan ko nalang baka nandito lang pala yung kasagutan sa mga tanong ko.

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now