Kabanata 4.Training 1

8.9K 387 17
                                    

Don't forget to vote,comments and follow♡Hope you like it and Enjoy:)

Chapter 4

Training

JL's Point of View

"Hoy pangit!!!Bilisan mo nga diyan!"rinig ko ang pagsigaw ni Peter sa labas.

"Sandali!"sigaw ko saka dali-daling lumabas sa aking kwarto.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.Problema niya?Naka jacket at tsaka naka pants at nakasapatos kasi ako.Like.....simple lang talaga.

"Let's go"he said with a cold voice.Sabagay Ice nga siya.

Pagdating namin sa Training Hall ay nanlaki ang aking mga mata dahil naka croptop,sportsbra at naka shorts lamang lahat ang mga babae.Wahhhh kaya pala hahahah.

Pumunta kami sa kinaroroonan nila Eli at nakisabay narin ako sa pag warm up.

"Goodmorning JL!"bati ni Alexander at ni Averina sa akin.

"Goodmorning sa inyong dalawa"bati ko rin at binigyan sila ng matamis na ngiti.

"Punta muna kami nina Bella.Goodluck sa iyong training"

"Kayo din"

"Nagpapakipot ka pa kay Alexander.Nandidiri ako sayo"napahawak na lamang ako sa aking dibdib ng biglang nagsalita si Jessyvel sa aking tabi.

"Jess!Ang hilig mong manggulat"natatawang sabi ko at inirapan lamang niya ako.

"Mukha ba akong manggugulat?Sa ganda kong to?"mataray na sabi niya sabay taas  ng kanyang kilay.

"Hindi naman...Yung mukha mo lang pala ang makakagulat"bulong ko.

"Anong sabi mo?"sarkastik na tanong niya.

"Maganda ka"

****

"Attention Sapphireans!Tapos na ang 10 minutes warm up!Let's start the training.Taurus group!Face your partner and two of you go to the center!"anunsiyo ng anker kaya pumunta sa gitna ang dalawa na nasa Taurus Group.Isang Girl at Boy.

Umupo kami sa tabi at panonoorin namin sila.The girl is an Ice and the boy is an Electricity.I guess so..Hahaha..Madali lang kasi akong manghinala.

Gumawa ng isang iceball ang babae habang yung lalaki naman ay pinaikot niya ang kanyang kuryente sa kanyang mga palad.Sabay sabay nila itong binato sa kanilang direksiyon at lumutang ang ice ball at ang nasa loob nito ang kuryente ng lalaki.Gumawa na naman ng panibago ang girl at gumawa siya ng Ice Sword.Agad siyang tumakbo sa direksiyon ng lalaki at tatamaan na sana niya ito sa tiyan at agad rin namang nakailag si boy.Para sa akin,hindi challenge ang laban nila.Kawawa rin kasi ang boy dahil kuryente lamang ang kapangyarihan niya at hindi siya makakagawa ng kahit anong sandata.Kaya talo parin sa Training si boy.

Sumunod ang dalawang lalaki.Naku!Mukhang maganda ang laban  nato dahil mukhang pareho sila Thunder.Sabay nilang nilabas ang kanilang kidlat.Eh?Magkaiba rin ang electricity kaysa sa thunder kasi ang electricity,ay para siyang magnet,ng hindi mo makikita pero nafefeel mo.Gaya ng iba diyan,alam na nga niyang crush ko siya pero di man lang niya ako crinushback?Aray!Sumanib ata si Cassidy sa akin.Ang hugotera naming kapit-bahay.Sumugod ang isang lalaki sa isang lalaki..ay si boy red hair pala kay boy Green Hair at matatamaan na sana sa mukha si Green,at naunahan niya naman si Red kaya si Red tumilapon siya at sa sahig ang bagsak niya.






****

Ng matapos ang laban ng mga Taurus,ay sumunod naman ang Sagittarius.Grabe ang laban ng taga Taurus kanina.Makamandag nga talaga sila.

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now