Kabanata 15.Whisper

6.2K 256 6
                                    

Chapter  15

Whisper

JL'S Point of  View

Ilang araw na akong nakakulong rito sa Dark Jail at ilang araw narin akong  nagugutom.Lagi nalang kumukulo ang aking tiyan at..nakakairitang  pakinggan.Kung minsan,kapag may dumadaang mga estudyante ay tatawagin ko sila para humingi ng pagkain.Yung iba rin naman ay madamot.Ganito ba talaga kapag kinulong ka na wala ka namang kasalanan,di kana papakainin?Kasi don sa amin kapag pinatay mo ang isang tao,tapos makukulong ka,pakakainin karin.Para na rin nila akong pinatay rito.

Hindi narin pumupunta ang mga kasama ko rito para kamustahin ako.Ang sakit naman talaga sa damdamin yun.Napaka....nakakalungkot naman talaga.Dalawampung araw na ako nakakulong rito.Wala akong ibang iniisip kundi si Mama lang.Kumakain kaya siya ng maayos doon?Nalulungkot pa ba siya,hinihintay pa niya ako.Siya lamang ang iniisip ko.Wala narin si Papa dahil namatay siya dahil sa heart attack at tsaka...wala rin akong kapatid.Kaya nga mahigpit talaga ako sa aking Ina dahil ayaw niyang mawala ako.At ngayon,alam kong hinihintay niya ang aking pagbabalik.

Kung dito na nga talaga ako panghabang buhay,pwes kailangan kong gumawa ng paraan para makalabas ako rito.Ayoko namang mamatay na hindi nalalaman ng aking Mama dahil ayoko namang mag-aalala lang siya,malulungkot siya at mapupuno ng pighati ang kanyang buhay.Ako ang anak ng Reyna Mira pero..............mas kaya ko ata siyang talikuran para sa aking Mama.Mahal ko rin naman siya at masaya ako na nakilala siya pero....mas nangingibabaw ang pagmamahal ko kay Mama.Si mama ang nag-aalaga sa akin ng Labing walong Taon.Napakabait niya,maawain at maalaga.Walang kinamumuhian.Imbes na magalit siya sa akin dahil nasunog ko ang bayan namin,mas pinili niyang protektahan ako.Kaya ito,I'm planning to escape.

"Alena" bigla na lamang may bumulong sa akin.Isang napakalamig at napakalalim na boses.Nagtingin-tingin pa ako sa aking paligid  pati narin sa labas pero wala namang tao.

At sino naman yung bumulong sa akin?Imposible naman kung si Roz.Hating-gabi na at tanging mga gwardiya lamang sa buong Academy ang pasikot-sikot sa paligid.Lalaki lahat ang mga guwardiya at...parang boses ng babae ang bumulong sa akin.

"Alena"

At ayan na naman ang bumulong sa akin.Sino si Alena?Hindi naman ako si Alena?Ah..baka siguro pangalan niya.Magpapa follow siguro sa twitter,insta at facebook.

"Sino ka  ba?At hindi ako si Alena.Pwede bang magpakita ka?"

Bigla na lamang bumigat ang aking pakiramdam sabay ng pag-ikot ng aking paningin.Teka~may mali ba sa sinasabi ko?Nagtatanong lang naman ako eh!Humiga na ako sa sahig at tinakpan ang aking mga mata sa aking mga palad dahil ang sakit talaga.










Rozelle's Point of View

Dahan-dahan kong minumulat ang aking mga mata at saka nilibot ang aking paningin.Teka~bakit ako nandito sa field.Natutulog ako sa field!?At tsaka...hating gabi na.

Agad akong tumayo  saka nilibot ang aking paningin.Teka~ nasan ang mga guwardiya?Diba dapat lagi silang maglakad-lakad para walang makapasok na taga Black A rito.Mga pasaway nga talaga sila.

"Rozelle"agad akong napalingon dahil sa may tumawag sa akin at don ko lamang nakita si JL...

"JL?Anong ginagawa mo diyan?"tanong ko at lalapit na sana ako sa kanya ng...

"Diyan ka lang!Wag kang lalapit sa akin.Wag nawag kang lalapit sa akin"kumunot ang aking noo.

"Hoy!Ikaw ba ang nagdala sa akin rito sa field?Pinagtitripan mo ba ako?"natatawang tanong ko.

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon