Kabanata 23.Guilt

6.2K 258 1
                                    

Chapter 23

Guilt

Rozelle's Point of View

Lakad lang kami ng lakad habang yakap yakap ang aming mga sarili dahil sa malamig na hangin ang sumalubong sa amin pagpasok pa lamang dito sa kakahuyan.Sumabay narin ang kulog at ang kidlat.Mukhang uulan na yata kasi wala namang mga bituin sa na nagsisilbing liwanag namin...Sa bawat paghakbang namin,maingat kaming nakamasid sa aming mga paligid baka may mga kalaban o may mga patibong sa dadaanan namin.

Gusto kong sabihin sabihin sa  kanila ang totoo na hindi hawak ng mga kalaban si JL.Nakalabas siya sa Sapphire pero may nag udyok sa akin na hindi.Hindi ko pa dapat sasabihin dahil alam ko namang babalik si JL rito sa Sapphire.Hindi ko lang alam kung kailan dahil nagwawala ata ang kapangyarihan ko.May nagkontrol sa isipan ko at sobrang lakas na ito ngayon kaya mas lalo akong nahihirapan.

Bigla na lamang bumuhos ang napakalakas na ulan kaya agad kaming tumakbo at humanap ng masisilungan.Kingina!Ang lamiggggggg.

"Don tayo!May maliit na bahay don!"saad ni Peter kaya sumunod kami sa kanya.

Lima lamang kami ang naghanap.Yung iba rin kasi,nasa ibang direksiyon.Pagkarating namin sa maliit na bahay,ay nakita namin ang matandang lalaki na nakatalikod mula sa amin.

"Tao po?Makikisilong lang kami"

"Sino kayo?"

"Taga Sapphire Academy po kami"

"Sinong hinahanap niyo?"

"Yung kaibigan po namin.Joana pong pangalan"

Dahan-dahan siyang humarap sa amin.Teka~siya yung matandang nagbantay sa pintuan ng Academy!

"Wala na siya"

Halos nanlumo kami ng marinig ang mga salitang yun.

"Nakita niyo po ba siya?"

"Dinakip siya ng mga kalaban.Sinubukan niyang lumaban pero naunahan siya"

"Nasan ang bangkay niya ngayon?"naiiyak na tanong ko.

"Wala na....Dinala na ng mga kakaibang nilalang"

Di ko mapigilang mapahagulgol.Hindi!Hindi to pwede.Prinsesa siya.

"Ikinalulungkot ko"







JL's Point of  View

"Wow!Ang sarap naman tong niluto mo JOana!"puri sa akin ni Parker kaya ngitian ko na  lamang siya.

"Ang sharapppp!"si Lucy habang ngumunguya.

"Tinuruan kasi ako ng Mama ko"

Hanggang ngayon,hindi ko parin siya nahahanap.Saan kayang lupalop na lugar yun nakatira?Namimiss ko na talaga siya ng sobra sobra.Wala na akong ibang hihilingin pa kundi makita at mayakap bago pa man ako babalik sa Sapphire.NAKAKAPAGOD rin talaga ng ganitong sitwasyon.Yung bumalik kana,tapos yung binalikan mo,ay nawala na.Hayst.






Ana/Averina's Point of View

"Patay na po si Joana Mahal na Reyna"

Namanhid ang aking tuhod ng marinig ang mga salitang yun.Hindi to pwede!

Bigla na lamang napaupo si Queen Mira at umiyak.Naguguilty siya..Hindi sana to mangyari kay JL eh.Oh Shit!



A/N:

Short chapter......

Proceed to 24. The long chapter....

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now