Kabanata 6.The Game

7.7K 358 20
                                    

Chapter 6

The Game

JL's Point of View

Dahan-dahan kong minumulat ang aking mga mata at......para bang wala na akong sakit na nararamdaman.Teka~Dali-dali akong bumangon at napatingin na lamang ako sa aking paa na wala na itong benda at wala narin ang sugat.Di narin nabali yung buto ko.Wahhhh!!!!!Teka~pumasok rito kagabi si Eli.So,si Eli nga ang gumamot nito!

"JL?JL!?Gumising kana...Ngayon ang Game natin.Magbihis kana rin.May damit diyan sa cabinet.Black lahat ang susuotin  natin?"narinig ko ang boses ni Eli sa labas ng aking kwarto.

"Ok!"sabi ko saka pumunta sa banyo para maligo.

Ng matapos na akong maligo,ay sinuot ko ang isang kulay itim na sleeveless at kulay itim na pantalon may itim narin na cloak ang kasama rito at may nakaguhit na 'Leos Fire'.Kinuha ko narin aa cabinet ang isang black boots saka sinuot ito.Pagkatapos,lumabas na ako sa aking kwarto at naabutan ko ang aking mga kasama sa sala na naka handa narin.

Napatingin na lamang ako kay Pedro at umiwas naman siya ng tingin.

"Bagay sayo!"si Eli.

"Teka~nasan na yung sugat mo?"takang tanong ni Jessy.

"Nawala"

"Papaano?"

"Malay ko"

"Let's Go...Malapit na ang oras"sabi ni Callixes kaya lumabas na kami sa aming dorm.

"Goodluck nalang sayo"bulong sa akin ni Jessyvel saka inirapan pa ako.





*******

Pagdating namin sa Arena,ay bigla na lamang akong napalunok dahil nandito narin ang lahat ng mga estudyante.Mukhang puno nga talaga ang upuan.Mga Virgo,Aries,Capricorn,Sophomore,Algeria,
Doomed at Scorpio.Yung iba ay mga staff sa school na to.Pumunta kami sa Arena dahil kami ngayon ang mauuna.Leos versus Leos parin.Medyo,kinakabahan narin ako dahil kalaban ko rin rito si Peter.

Napatingin rin ako sa mga co-students na panay ang palakpakan at pagsigaw ng pangalan ng hinahangaan nila.Yung iba sumisigaw ng Peter,Elizabeth,Callixes,Brixs,Jessyvel.Ako lang ata ang wala.Tsk.Ayoko rin namang magkaroon ng fans.Nakakadistorbo lang.Napatingin rin ako sa direksiyon ni Rozelle na ngayo'y panay rin ang kaway sa amin.Di nga pala siya makakasali sa laro.

"Leos,pumasok na kayo"anunsiyo ng Anker at bigla na lamang bumukas ang barrier at bumingad sa amin ang napakalaki at napakadilim na gubat.

Kagubatan ang unang laban.Pumasok na kaming anim at bigla na lamang dumilim ang lahat kaya di na namin nakita ang mga student,di narin namin narinig ang kanilang mga hiyawan.Naghanda na kami sa pag sinyas ng Anker.

"Mananalo ako..At matatalo ka"napahawak na lamang ako sa aking dibdib dahil bigla na lamang bumulong ang Pedro sa aking tenga.

Hinarap ko siya at tinaasan pa siya ng kilay.

"Di na rin ako magpapatalo"walang emosyon kong sabi.

"The Game Begin...3.2.1.....go!"matapos sabihin yun ng Anker ay bigla na lamang akong binato ng Pedro ng kanyang kapangyarihan sa paa kaya nanigas ako sa aking kinatatayuan.

Nagsipagtakbuhan narin ang iba ko pang kasama kaya  ginamit ko ang aking kapangyarihan hanggang sa matunaw ang ice na nasa aking paa.Dali-dali akong tumakbo papasok sa kagubatan at hinahanap ang mga batong makakadagdag ng points at ito raw ang magiging dahilan para manalo ka.

Maingat akong nagmasid sa paligid baka kasi bigla na lamang susulpot si Pedro at papatayin na naman ako sa sariling kapangyarihan niya.Naaninag ko ang kumikinang na bagay na na takpan ng dahon kaya kaya agad ko itong nilapitan.Tama nga ang aking hinala.Isang Sapphire Stone.Kinuha ko ito at nilagay sa isang maliit na bag na nakasabit sa aking bewang.

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now