Kabanata 14.Traitor

6.4K 278 3
                                    

Chapter 14

Traitor

JL's Point of  View

"San ka ba nanggaling ha?"tanong sa akin ni Eli pagdating ko palang sa dorm.

"Nagpapahangin"walang gana kong sagot.

Di ko na sila pa pinansin saka pumasok sa aking kwarto at nilock ito.Ngayon,tanging si Lumina na lamang ang natira sa akin,at alam ko narin yung katotohanan,ito na siguro yung oras para bumalik kay Mama.Nangako pa naman ako sa kanya na kapag nahanap ko na ang kasagutan,ay babalik ako.Namimiss ko narin kasi yun eh.Mag iisang buwan na siguro ako rito.

Pumunta ako sa cabinet saka kinuha ang aking mga gamit at nilagay ito sa aking bag.Kailangan ko ng umalis.Wala na akong mapapala rito at baka......pabigat na talaga ako sa grupong to.

Pagkatapos kong mag impake,ay lumabas muna ako sa kwarto para makapagpaalam sa aking mga  kasama at sa mga kaibigan ko.Naabutan ko silang nakaupo sa sofa habang nakatingin sa akin.Umupo narin ako saka humigit ng napakalalim na hininga.

"Naniniwala naman kayo sa akin diba?"tanong ko at kinagat ang aking labi para di mapaluha.No.Hindi ako mahina.

"Oo"

"Kahit anong mangyari,sana paniwalaan niyo parin ako"

"JL?"napatingin ako kay Eli.

"Aalis ako...Ngayon alam ko na lahat,ang tunay kong pagkatao,ito na yung oras para bumalik sa Mama ko"sabi ko at agad pinunasan ang aking mga luha na dumaragsa sa aking mga pisnge.

"P-pero-"

"Nangako na ako sa Mama ko...Di naman ako papayag na mapawalang bahala lang yung pangako ko sa kanya"

"Ito ang tahanan mo"si Peter.

"Alam ko....Pero kaya kong talikuran ang Sapphire para sa Mama ko"natigilan naman sila.

"JL-"

"Leos!Kailangan namin ng tulong niyo..Nasusunog ang buong kagubatan natin!"rinig namin ang anunsiyo ng Anker kaya dali-dali namang lumabas ng dorm ang aking mga kasama.

Bumalik ulit ako sa aking kwarto at kinuha ang aking mga gamit saka lumabas sa dorm.Nagpalinga-linga pa ako sa paligid kung may mga estudyante pa ba pero wala.Nasa labas siguro sila.Teka~at sino naman kaya ang sumunog sa gubat?Napatingin  ako sa gubat at malapit na itong makalbo.Oh my God!

Dali-dali akong pumunta sa field.Kailangan kung makapasok bago pa ito matuluyan masunog.Pilit kung kontrolin ang apoy pero hindi na gumana.Hindi sa akin nanggaling to.Patakbo na ako sa field habang dala-dala ang aking mga gamit.

"Siya!Siya ang may kagagawan ng lahat ng to!?"natigilan ako sa sigawan ng mga student.

Dahan-dahan akong lumingon at don ko lamang nakita ang aking mga kasamahan na ang sama na ng tingin sa akin.Papaanong?








Jessyvel's POINT OF VIEW

Isang napakalaking ngiti ang sumilay sa aking mga labi.Ang galing ko na talaga.Lalong-lalo na nakuha ko narin ang fire dragon niya.Isa malaking medalya talaga ang makukuha ko.Malapit narin ang coronation day.Hahahaha.Mapapasa akin narin ang korona ng Reyna.

"Mother?Anong nangyari?"alalang tanong ko.

"Nasunog ang kagubatan ng Sapphire at kailangan kong harapin kung sino ang nagsunog non"

"Sasama ako"

"Halika na"

Agad kaming pumunta sa Academy.Well,ang galing rin palang umacting ng napili kong student sa Virgo.Ako ang nagusunog sa gubat at siya ang magiging witness at sasabihin niya na si JL ang nakasunog.Kontrolado ko narin ang mga Mind reader dito kaya magtataka na lang sila kung bakit..Hahaha....

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now