The Part 2:Chapter 3

2.2K 141 10
                                    

Javier's POV

Dahan-dahan kong minumulat ang aking mga mata at laking gulat ko na lamang ng makita ang isang babae habang nilapit ang mukha nito sa akin.Nagtama ang aming paningin kaya agad ko siyang tinulak dahilan ng mapaatras ito at matumba.Sinuot ko agad ang aking hoodie para matakpan muli ang aking mukha at akmang tatalon na sana ng bintana ng magsalita ito.

"Di mo na kailangan magtago.Nakita ko mukha mo"sabi niya pero nanatili lamang akong nakatalikod.

"Fire user  ka hindi ba?"muli niyang tanong dahilan ng mapalingon ako sa kanya.

"Pano mo nalaman?"takang tanong ko.

"Yung mga mata mo.Alam kong fire user ka.Anong pangalan mo?Ba't mo pang kailangan magtago?Pwede ka namang magtungo ng Dean's office para makapag register"aniya habang hinihimas ang kanyang balikat.

"Pasensiya kana kung napalakas ko ang pagkakatulak sayo"sabi ko pero umiling lamang ito.

"Ayos lang.Ano ngang pangalan mo Black Hoodie Arrow?"

"Javier....The Fire and Ice user"matipid kong sagot dahilan ng matigilan ito.

"Teka dalawa-

Di ko na siya pinatapos sa kanyang sasabihin at tumalon na ako sa bintana.Rinig ko pa ang pagtawag niya sa aking pangalan pero di ko na ito nilingon pa.I used my teleport para makarating sa malaking puno kung saan naging tahanan ko rin.

Napabuga na lamang ako ng hangin at isinandal ang aking likuran sa puno.It's been a years,since nawala sa piling ko ang aking pinakamamahal na ama't ina.This is all my fault.Kung hindi ko lang sana sinunog ang malaking kakahuyan na yun,buhay pa sana sila ngayon.I can't control my powers that time.

Gumawa ako ng paraan para makapasok sa Sapphire Academy.At ito na nga,narito na ako sa teritoryo ng mga Sapphireans.Kaya hindi ako tumuloy pumasok sa malaking unibersidad,at mas piniling magtago na lamang,dahil natatakot ako na...baka masaktan ko ang iba kapag di ko na naman nacontrol ang sarili ko.

Bigla ko na lamang naisip ang babae kanina.Wala kasi siya sa dorm niya kaya naisipan kong matulog sa cabinet niya.Aish~napasarap ata ang tulog ko at,naamoy ko ang kanyang hininga kaya ako nagising.Hindi naman sa mabaho ang hininga niya.Amoy snow bear nga eh.

"I-check niyo muna ang pintuan ng Sapphire baka may bagong nakapasok at magmaman man narin kayo sa buong paligid"

Napaayos ako ng upo ng makita ang isang babae na mukhang magkasing edad lang rin sila ng aking Mama at Papa.Kasama niya ang apat na kawal na nagbabantay rito sa Sapphire.Pamilyar siya sa akin sapagka't may ipinakita si Mama sa akin na litrato nong kabataan pa lamang nila.Hindi ko alam kung anong pangalan niya.

Pinagmasdan ko lamang siya habang nagmamasid sa buong paligid.Binabantayan nila ang buong lugar baka siguro may kalaban muli sila.Nasunog ko kasi ang gubat ng hindi ko sinasadya.Hindi ko na naman nakokontrol tong apoy ako kaya pumunta ako sa kwarto ng babaeng yun at kinuha ang kanyang gloves sa cabinet.

Nagtaka naman ako ng biglang nawala ang babae.Nasan na yun?Agad akong tumalikod at laking gulat ko ng bumungad sa akin ang isang malakas na suntok dahilan ng mahulog ako mula sa itaas ng puno.Napahimas ako sa aking noo habang pilit kong itayo ang aking sarili at gamitin ang aking kapangyarihan,pero hindi ko iyon magawa.

"Who are you?"tanong ng babae na ngayo'y nasa aking harapan na.

"J-javier po"pakilala ko.

"Special ability?"

"Fire and Ice"matipid na sagot ko saka  tumayo.

"What?"muli ko siyang tiningnan na ngayo'y nagtataka."Dalawang powers mo?"

SAPPHIRE ACADEMY:THE PART 1 AND 2Where stories live. Discover now