Special Chapter

14 0 0
                                    

•••

A. N. As promised!!! Happy 1K reads to this. Lovelots. And enjoy reading!

•••

His Essence
Third Person's POV

"Tsuma... No... Maeco, I love you always..."

"I love you always..."

"Maeco, I love you always..."

"Always..."

Nakakabulag ang sobrang liwanag. Nakakabingi ang sarili niyang boses. Nakakatakot ang napili niyang desisyon. Pero wala siyang magawa. Ito na ang kailangan niyang harapin-ang kaniyang katapusan.

Nasaan na ba siya? Bakit pakiramdam niya ay buhay pa siya? Ganito ba ang dapat na pakiramdam ng isang piksiyonal na karakter kapag mamamatay na? Hindi niya talaga maintindihan.

Hanggang sa kanyang katapusan, ang babaeng 'yon pa rin ang nasa isip niya. Hindi niya akalaing magmamahal muli siya pero sa isang tao pa. Nakakatawa iyong isipin. Kahit saang anggulo mo tingnan, hindi talaga pwede. Napakalayo nga ng kanilang agwat. Ang parehong dulo ay hindi kailanman magtatagpo. Napangiti na lamang siya habang pakiramdam ay tila lumulutang siya sa kawalan.

Nasaan kaya ako?

Ang mga tao ay may tinatawag na langit at impyerno na maaaring maging kahantungan ng mga namatay nilang kaluluwa pero nagtatanong siya kung mayroon din ba silang gano'n. Baka naman. Kahit na mga kathang-isip sila, di'ba dapat may lugar ding para sa kanila. Pero saan naman kaya 'yon? Mayroon nga kayang gano'n?

"Gising, Kazuya..."

"Gumising ka, Kazuya..."

"Gumising ka, anak ko..."

"Gising..."

Naimulat niya ang kanyang mga mata nang makarinig ng isang boses na tinatawag ang kanyang pangalan. Laking gulat niya sa kanyang nakita.

Totoo ba ito? Ito na ba ang langit para sa mga katulad ko? Pero kung pagbabasehan ako, baka impyerno rin 'to. Subalit, masyadong mapayapa para maging impyerno. Nasaan na nga ba ako?

"Sa wakas gising ka na, aking anak" wika ng isang taong hindi niya kilala. Sino ba ito? At anong sinasabi nitong anak siya nito?

Inikot niya ang kanyang paningin at laking gulat at pagtataka rin ang kanyang nadama sa mga nakita. Anong ginagawa nila rito? Patay na rin ba sila? Binura rin ba nina Timothy at Maeco ang kanilang mundo? Diyos ko, anong nangyayari?

"Captain?! Senior Chris?! Isashiki?! Kuramochi?! Kayong lahat?! Anong ginagawa ninyo rito?! TOTOO BA ITO?! PATI IKAW, COACH?!" nagugulantang na naguguluhan niyang tanong sa mga ito. Tinaasan siya ng mga ito ng kilay.

"Ano bang nangyayari sa iyo, Miyuki?" takang tanong sa kanya ni Captain Yuuki. Pero bakit sila pa ang nagtataka sa kanya. Di'ba dapat siya?

"Para kang nagising sa isang panaginip ah. HAHAHA" mapagbiro namang kumento ni Kuramochi sa kanya.

"Oo nga! Anong problema mo? Parang kahapon naman ay maayos ka pang tumatawa at nang-aasar ng mga pitchers. Bakit parang wala ka sa sarili mo ngayon?" paggatong ni Isashiki sa sinabi ni Kuramochi.

"Hindi mo na ba kaagad natatandaan? Nakalimutan mo na ba kaagad ang sinabi nitong ating Boss sa atin?" kunot-noong tanong sa kanya ni Ryosuke.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now