Chapter Nine

33 2 0
                                    

The Truth
T

hird Person's POV

Agad na nagtanong ang kanina pang naguguluhang dalaga.

"Ano po ba talaga ang ibig niyong sabihin? Bakit buhay pa po kayo? Sorry po pero kasi... Ang alam ko ay namatay na po kayo. Paanong nangyari na nandito kayo? Ano ba talagang nangyayari? Ano ang nililihim ninyo? Posible ba na nagpanggap lang kayong patay noon? Kung gano'n, nasayang ang mga luha ko? Nagalit pa ako kay dad dahil akala ko ay patay ka na? So kaya pala hindi nag-aalala o lumuha man lang noon si dad ay dahil—" hindi na niya naituloy ang pagtatanong ng patahimikin siya ng kanyang ina.

"Shhh. Okay na. Sasagutin ko lahat ng tanong mo pero, kumain ka na ba? Kumain ka muna" malambing na saad ng kanyang ina.

"Ayoko! Gusto ko nang maliwanagan. Gusto ko nang matapos lahat ng tanong sa isip ko. Gusto ko na silang mabigyan ng kasagutan dahil baka mamaya ay mabaliw pa ako sa kakaisip" iritadong sagot ng dalaga. Bumuntong hininga ang kanyang ina at saka nagpakawala ng ngiti sa labi. Napaawang ang labi ng dalaga sa nakita.

"Ano po bang nakakatawa? Mom, kailangan kong malaman lahat. Please, tigilan niyo na ang pagbibiro" inis na sagot ng dalaga. Nabigla siya ng hawakan ng kanyang ina ang kanyang ulo at hinimas ito habang tumatawa.

"Anak, 'wag ka nang magalit. Natutuwa lang ako na nagmana ka sa tatay mo. Sobrang maikli ang pasensya at mabilis mainis. Napakamainipin at hindi titigil hangga't hindi nabibigyang kasagutan ang kanyang tanong" pang-aasar ng kanyang ina sa kanya. Napatulis ang labi ang dalaga dahil dito.

"Don't compare me to him. I'm not him. We're not alike" pagsusungit nito sa kanyang ina.

"Bakit? Galit ka ba sa tatay mo?" tanong ng kanyang ina. Hindi umimik ang dalaga sa katanungan.

"Dahil ba sa akin?" tanong muli ng kanyang ina. Agad na napatingin ang dalaga sa kanyang ina at umiling bago niya niyakap ito ng mahigpit.

"Hindi po, Mama. Hindi kayo ang dahilan" mariing pagtanggi niya. Naramdaman niya ang pagbuntong hininga nito.

"Alam kong ako ang dahilan anak. 'Wag mo nang itanggi. Nanay mo 'ko. Alam ko ang lahat sa'yo. Gusto mo bang malaman ang totoo?" tanong ng kanyang ina. Napaangat ng tingin ang dalaga atsaka tumango sa ina. Bumuntong hininga lang muli ang kanyang nanay atsaka nagsalita.

"Kung gano'n ay sasabihin ko sa'yo. Umupo muna tayo dun sa sofa" aya ng kanyang ina na agad naman niyang sinunod. Nakaupo sila ng tahimik sa sofa nang magsimulang magkuwento ang kanyang nanay.

"Anak, totoo ang nakita mo noon" pag-uumpisa ng nito. Nais niyang magtanong kung ano ang totoo pero mas pinili niyang manahimik at makinig.

"Totoo na patay na ako... Isa lang akong kaluluwa na nandito sa fiction world" pagpapatuloy ng nanay sa pagkukwento. Hindi ma-take ng utak ng dalaga ang lahat nang sinabi ng ina. Paanong ang kaluluwa niya ay nasa fiction world? Nais niya 'yong itanong pero tinakasan siya ng mga salita at wala ni isa mang lumabas dito.

"Pumayag ako noong maging test subject sa isang experimento ng isang machine na tinatawag na Dimension Traveller ver. 1.0" nadurog ang puso niya sa narinig.

Why????

(Maeco Tachibana's POV)

Dimension Traveller ver. 1.0? Version 1.0? So it means—no this isn't true. If only... If only... If I really know it... then I shoudn't accept it. The F*ck! D*mn them. I can't believe it. My heart is twisted when I heard it and my tears started to fall. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now