Chapter Seventeen

34 4 0
                                    

Symptoms
M

aeco Tachibana's POV

Matapos ang ilang pagba-bonding namin ng team ay inihatid na ako ni Kazuya pauwi sa bahay namin.

"Ang saya talaga ng bonding natin noh?" masaya kong sabi kay Kazuya.

"Oo, kung sana ay tayo lang dalawa" malungkot na sagot niya. Nginitian ko siya atsaka pinisil ang pisngi nito.

"Okay lang 'yon. Alam mo ba, ngayon ko lang sila nakasama at sobrang nasiyahan ako sa kakulitan nila. Sobrang saya na laging natatalo si Captain sa shogi at sina Kuramochi ay pinagtitripan ang juniors. Sigurado akong mamimiss ko kayo kapag umalis na ko dito. At isa pa, may mga ibang oras pa naman para magkasama tayo. Kaya 'wag ka na ngang mag-alala diyan" sabi ko sa kanya at tinigilan na ang pisngi niya.

"Oo na nga. Sige na. Good night. Dream of me, tsuma" bulong niya sa tenga ko na ikinairap ko. Hinalikan niya ako sa pisngi atsaka nagpaalam. Inintay ko muna siyang umalis bago pumasok. Kahit papaano ay masaya naman ako eh. Pumunta ako sa kwarto ko pagkatapos namin ni Mamang magbonding ng konti. Nanood kami ng t.v. at kumain. S'yempre konting kwentuhan sa life lalo na sa lovelife. Umupo ako sa kama at kinuha ang ginagantsilyo kong scarf. Ibibigay ko ito kay Kazuya. Alam kong malayo pa ang Winter season pero baka 'pag dumating ang oras na 'yun ay wala na ako sa mundong 'to. Medyo malapit ko na naman 'tong matapos.

Nakaramdam ako bigla ng sakit ng katawan habang naggagantsilyo. Bigla ko na lang nabitawan ang ginagantsilyo ko at patuloy na umubo. Hindi ko mapigilan kaya pumasok ako ng banyo ko. Patuloy pa rin ang pag-ubo ko at nakita ko ang dugo rito. Anong nangyayari sa'kin? Bakit may dugo?

"Ano ba *cough* 'tong nang *cough* yayari sa'kin *cough*" naibulong ko sa sarili ko. Ito na ba ang epekto ng machine?

Timothy's POV

Nag-alala ako nang makitang umubo ng dugo si Maeco.

"Kayong lahat, anong status ng test subject natin?" sigaw ko sa mga scientists ko.

"Sir, mukhang nagsisimula na pong lumala ang pagkalat ng mga kakaibang substance sa katawan niya. Parang cancer cells po ang mga ito na kinakain ang mga cells niya. Kapag po nagtagal pa siya sa mundong 'yan ay baka mamatay na po siya" napamura ako sa ibinalita ng isa kong scientist.

"Gawin niyo ang lahat para maikonekta ako sa test subject natin. Kailangan ko siyang paalalahanan" utos ko sa mga scientists ko.

"Yes sir" sabay sabay nilang sagot. Napaupo ako sa swivel chair ko at napahilot ng sentido ko sa pag-iisip ng gagawin. Maeco, bakit ba ayaw mo pang umalis diyan?

Maeco Tachibana's POV

Nang tumigil ang pag-ubo ko ay naghilamos ako. Bumalik ako sa paggagantsilyo at hindi ininda ang pagsakit ng ilang bahagi ng katawan ko. Kailangan ko nang dalian. Kailangan ko nang sulitin ang lahat dito. Dahil alam kong kailangan ko na ring bumalik, as soon as possible.

Nang matapos ko ang scarf ay ibinalot ko ito ng maayos. Kumuha ako ng papel at ballpen bago nagsimulang magsulat.

Dear Kazuya;

Kapag nakita mo 'to, siguro ay wala na ako rito sa mundo mo pero lagi mong tandaan na mahal na mahal kita. No one will love you, remember? Lagi mong iingatan ang sarili mo. 'Wag na 'wag kang magkakaroon ng injury ah. Ingatan mo ang sarili mo sa kabila ng sinabi ko sa'yo. Oo, sinabi kong kailangan mong pagbutihin sa paglalaro at manalo pero hindi ibig sabihin no'n ay pabayaan mo na ang sarili mo. Kasi wala nang magpupunas ng pawis mo. Wala na ring magpapawi ng pagod mo... wala na ako sa tabi mo. Okay lang sa'kin kahit hindi mo na ako matandaan. Okay lang sa'kin na makalimutan mo. Mabuhay ka na lang ulit katulad ng buhay mo noong hindi pa ako dumadating sa tabi mo. Natutuwa ako dahil nabigyan ako ng chance para makasama ka. Natutuwa ako na nagawa kitang icheer ng harapan. Natutuwa ako na nayakap kita. Natutuwa ako na tinawag kang otto. Natutuwa ako na tinawag mo akong tsuma. Natutuwa ako na ipinagluto mo ako. Natutuwa ako na mas nakilala pa kita. Natutuwa ako na nahalikan ako sa noo ng Otto ko. Natutuwa ako na nayakap mo ko ng mahigpit at pinakilig. Natutuwa ako kapag tinatanong mo ko kung anong ginawa ko sa'yo dahil bumilis ang tibok ng puso mo. Natutuwa ako kapag nagseselos ka. Ang cute cute mo kasi eh. Natutuwa ako na nalaman ko kung paano magmahal ang isang Miyuki Kazuya. Natutuwa ako na nakasama ko ang buong team ng Seidou. Palagi kitang maaalala at hinding hindi kita malilimutan. Siguro parte lang talaga ng buhay ang magpaalam. Sowwy, kung hindi ko masabi sa'yong "hanggang sa susunod na pagkikita" kasi naman wala nang ganun. Alam kong hindi na 'yon mangyayari. Ipagpatuloy mo ang pagiging catcher ng buhay ko.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now