Chapter Eighteen

34 3 0
                                    

Date
M

aeco Tachibana's POV

"Thank you!! Hoy siguraduhin mo lang bukas na magiging maganda ang first date natin ah. Maghanap ka na ng magandang lugar para sa date natin" paalala ko kay Kazuya. Napanganga siya dahil sa sinabi ko. Pa'no ba naman? Ako ang nagyaya pero siya ang maghahanap ng lugar ng date namin. Aba, natural lang 'yon. Siya ang lalake. Binigyan niya ako ng 'di makapaniwalang mukha pero tinanguan ko lang siya.

"But–" pag-angal niya pero agad akong nagsalita at pinutol siya.

"Ikaw ang lalake, remember? Dapat maganda bukas ah" saad ko atsaka umalis at iniwan siyang nakatulala at di makapaniwala. Nagtatakbo ako pabalik sa bahay namin. Nginitian ko si Mama atsaka dumiretsong  pumunta sa kwarto.

"*cough* *cough* *cough*" kaya ako nagmadaling umuwi dahil alam kong hindi ko na mapipigilan ang ubo ko. Napasandal na lang ako sa pinto ng kwarto ko. Napangiti na lang ako ng wala sa oras. Sobrang sakit pala nito. HAHAHA. Pero okay lang naman. Kaya ko pa. Nagpalit na lang ako ng damit at pinuntahan si Mama.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ni Mama. Ngumiti ako sa kanya.

"Wala po. Masaya lang ako po dahil may date kami bukas ni Kazuya" pagbabalita ko. Ngumiti naman siya sa'kin.

"Kung gano'n ay masaya 'yon. Masaya ako para sa inyo" masayang sagot ni Mama at niyakap ako. Niyakap ko naman si Mama pabalik.

"Thank you po, Mama" pagpapasalamat ko. Umalpas si Mama sa'kin bago hinaplos ang pisngi ko.

"Anak wala 'yon. Kain na tayo" pagyaya sa'kin ni Mama. Tumango ako sa kanya at sabay kaming pumunta sa kusina para kumain. Pagkatapos no'n ay tinulungan ako ni Mama na pumili ng magiging damit ko bukas.

"Ito ang piliin mo anak. Tiyak na sexy ka rito" saad ni Mama sabay kindat sa'kin at tinuro ang isang tube dress.

"Mama naman!!" mariin na pagkontra ko.

"Nagbibiro lang" natatawang aniya. Kinuha ko ang isang denim jeans at long-sleeved crop top.

"Eh kung ito kaya" saad ko pero inirapan lang ako ni Mama.

"Anak, dapat magmukha kang dalaga hindi tomboy!!" kumento niya na ikinanguso ko.

"Pero–" aangal pa sana ako pero...

"Wala ng pero pero" mariing pagputol niya.

"Ito na lang. Simple at disente" ani ni Mama sabay bigay sa'kin ng isang plain baby blue dress na below the knee pero hindi sobrang haba. Simple lang nga ito at hindi revealing.

"Gusto ko po ito" saad ko at inakap ang damit na binigay ni Mama.

"*yawn* Kung gano'n, edi matulog na tayo. Gabi na at inaantok na ako" saad ni Mama bago nagpaalam sa'kin. Tumango ako sa kanya at nagpaalam na rin. Nag-ayos muna ako ng aking silid bago nahiga.

Sana maging maganda bukas.

Miyuki Kazuya's POV

"Ikaw ang lalake, remember? Dapat maganda bukas ah" napanganga ako sa sinabi niya. Teka siya ang nagyaya ah. Paano na? Saan ko naman siya dadalhin? Umalis siya ng 'di man lang ako tinutulungan. Minsan talaga ang babaeng 'yon!!! Napakamot ako sa batok ko saka naglakad. Hindi talaga ako makapag-isip ng lugar kung saan siya dadalhin.

"Yo!" nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko. Tiningnan ko ito at sinalubong ako ng ngiti ni Señior Chris.

"Señior Chris, yo!" bati ko pabalik.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon