Epilogue

63 2 0
                                    

Third Person's POV

After several months, natuloy ang kasal.

"You may now kiss the bride" pagkatapos sabihin ng pari ang mga salitang 'yon ay lumapit ang lalaki sa babae at hinalikan ito sa noo. Nagpalakpakan ang lahat. Pinilit na ngumiti ng babae sa lahat ngunit hindi niya maitatanggi na mayro'n ng isang malaking butas sa puso niya na hindi niya alam kung matatakpan pa. Hinawakan ng kanyang asawa ang kanyang kamay. Nagkatinginan sila at pinilit niyang ngumiti rito. Alam ng lalaki ang pait sa mga ngiting iyon ng asawa. Simula noong mabura ang anime character na 'yon ay hindi na niya nakita pa ang tunay na ngiti ng asawa. Madalang na ang pagngiti nito. Kung ngingiti ito ay bakas pa rin ang kalungkutan. Hindi niya alam kung papaano aayusin ang asawa. Kung paano pupunan ang butas sa puso nito. Pero wala na siyang magawa. Mahal niya ang babaeng ito. Asawa na niya ito ngayon. Ang kailangan niya lang gawin ay buuing muli ang nawasak na puso nito. Siguro ay kung magkakaroon sila ng anak ay mapupunan ang puso nito.

YEARS PASSED BY...

Maeco Tachibana's POV

"Mom, can you please ask Dad to get me a telescope?" pakiusap ng aking anak na si Sakura. Sakura ang pinangalanan namin dahil sa ilalim ng puno ng sakura nagpropose sa'kin si Timothy.

"Mom please?" pakiusap niyang muli. Gustong gusto niya magkaroon ng telescope para daw mas makita niya pa ng maayos ang mga bituin. Sobrang hilig na niya sa astronomy simula pa noong 7 years old siya.

"Anak, hindi pwede. Busy ang Daddy mo!" pagtanggi ko at ipinagpatuloy ang paggagantsilyo.

"But please Mom? I'm turning 10 this year and I want a telescope for my birthday" pagrereklamo niya.

"You heard Mom and can you please shut up?! I'm doing some test if ghosts were really true" raklamo naman ng kakambal nitong si Eijirou. Mahilig naman siya sa mga supernatural things like ghosts. He's a boy.

"So, what is the problem of my twin?" lahat kami ay napalingon kay Timothy na kararating lang.

"Dad!!!" sigaw na bati ni Sakura kay Timothy sabay yakap sa ama. Binuhat naman siya ni Timothy.

"Dad, I want a telescope" paghihimutok nito sa kanyang ama. Napairap na lang ako sa ginawa nito. Napakaspoil.

"Okay. I'll give it to you tomorrow" pagpayag agad ni Timothy. Tiningnan niya ako at ngumiti na parang walang nagawa kung kaya't inirapan ko siya.

"You always spoiled them" singhal ko. Nagkamot batok siya at ibinaba niya si Sakura.

"Sorry love" paghingi niya ng pasensya sabay punta sa'kin at yakap.

"It's because of you. Mom and Dad will be having a quarrel" rinig kong pagsisi ni Eijirou kay Sakura.

"Eijirou, you're her brother. Be kind" pagsaway ko sa kanila.

"I'm sorry, Mom. Sorry, twin" paghingi niya ng tawad.

"That's my son" kinurot ko sa tagiliran si Timothy sa sinabi niya.

"Ikaw ang may kasalanan eh. Masyado mo silang inispoil!" singhal ko.

"Sorry na, love" paglalambing niya. Atsaka hinalikan ako sa noo.

"Eww. That's rated SPG" reklamo ng dal'wa kong anak. Sinamaan ko sila ng tingin.

"It isn't. It only rated PG" sagot ko. At nagtawanan kami.

"Hey Dad. If you're going to buy Sakura a new telescope, can you also buy me a new exorcist equipment?" tanong ni Eijirou.

"Huh? What are you going to do with that?!" takang tanong ni Timothy. Tinapik ko siya sa likod at tinanguan bilang senyas na pumayag na lang. Tumango siya pabalik.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora