Chapter Twenty-two

19 3 0
                                    

Comfort
M

aeco Tachibana's POV

Inilabas ako ng isang portal.

Kazuya...

"Maeco!" pagsalubong sa'kin ni Timothy. Agad niya aking niyakap na naging dahilan para umiyak na naman ako.

"Timothy, nasasaktan ako. Timothy, ang sakit sakit" hagulhol ko kay Timothy. Mas humigpit pa ang kanyang pagkakayakap sa akin.

"Okay lang 'yan. Iiyak mo lang 'yan. Nandito lang ako" pagkompronta niya sabay hagod sa likod ko.

Fast Forward

Time passed by. Pakiramdam ko ay may puwang pa rin sa puso ko na hindi ko mapunan-punan.

"Bessy!" nagulat ako sa tumawag sa'kin.

"Aiko? Kailan ka pa lumabas sa fiction world?" pagtataka ko. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ano bang sinasabi mo d'yan. Nauna akong lumabas sa'yo. Nagpaalam ako sa mga nandoon. Pati kay bebe mo. Ayun, nagkakwentuhan at tawanan. Umamin siyang miss ka na niya" nagulat at natigilan ako sa sinabi niya. Ibig sabihin... Mas lalo tuloy akong nagsisisi sa aking mga ginawa.

"Oh, bakit? Hindi mo ba alam?" takang tanong niya. Umiling lang ako sa kanya.

"Hindi eh" bulong ko. Kung gano'n, nung iniwan ko siya, malungkot siya. Hindi siya masaya? Nabigo ako?Umupo sa tabi ko si Aiko at tinapik akong bigla sa aking balikat.

"Bessy, did you have a good farewell?" diretsang tanong niya. If only if... If only if I become stronger, then I would bid a good farewell but I become weak and selfish. I'm sorry.

"Hay naku bessy! Pa'no kung makakapasok ka ulit sa mundo ni Miyuki, papasok ka ba ulit?" nagulat ako sa tanong niya. Ngumiti ako ng mapait. Kahit gustuhin ko man. Hindi na pwede. Hindi kailanman...

"Alam mo bessy, 'wag na nating pag-usapan 'yan" saad ko. Pero inirapan niya lamang ako.

"Tsk. Such a loser!! Tingnan mo na 'yang itsura mo, para kang namatayan uy!! Alam ko na. Humanap ka na lang ng bagong mamahalin mo. Balita ko nanliligaw sa iyo si Timothy ah. Bakit hindi mo sagutin?" pangungulit niya. Yes, nanliligaw nga sa'kin si Timothy simula nung makalabas ako sa fiction world pero palagi kong sinasabing hindi pa ko ready at hindi ko pa kaya. Siya lang talaga eh... Lalo pa ngayon? Dahil sa mga nalaman ko... dahil sa mga narealize ko...

"Speaking of Timothy, paparating na siya" turan niya kaya napalingon ako. Si Timothy nga at may dala siyang bouquet of pink tulips.

"Hi Mae ko" bati niya. Inaamin ko namang mabait si Timothy. Palagi niyang pinapagaan ang pakiramdam ko pero hindi ko pa rin talaga kayang magmahal ulit.

Kazuya...

"Flowers for you" bumalik ako sa reyalidad nang ibigay sa'kin ni Timothy ang bulaklak. Tinanggap ko naman iyon bago bukal sa pusong magpasalamat.

"Thank you" pagpapasalamat ko atsaka nginitian siya. Nginitian din naman ako ni Timothy.

"Dandelion for you" biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang pumasok ang ala alang 'yon ni Kazuya. Shettt. Damn you, Maeco. Kalimutan mo na siya, pwede? Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako... Si Kazuya... Naging malungkot siya dahil sa akin at sa kaselfishness ko.

"Hey, Mae ko ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Timothy. Pinilit kong ngumiti bago tinanguan siya.

"Oh siya. D'yan na kayo lovebirds. May date pa ko eh" biro ni Aiko bago magwave. Pero bago pa siya makaalis ay nagtanong na si Timothy.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now