Chapter Thirteen

29 3 0
                                    

I already love you
M

aeco Tachibana's POV

"Thank you, Señior Chris" pagpapasalamat ko nang gumaan na kahit papaano ang pakiramdam ko. Gabi na rin nang matapos ang pag-iyak ko. Paminsan minsan ay tumitigil ako sa pag-iyak pero iiyak ulit pagkatapos. Salamat talaga kay Señior Chris lalo na sa walang sawang pag-intindi.

"Walang anuman, Imouto" pinilit ko siyang ngitian ng tunay dahil sa sinabi niyan.

"Kung gano'n, kuya na kita?" tanong ko. Tumawa siya.

"Oo naman!" masaya niyang sagot sa'kin. Kahit papaano ay nawala ang sakit na nararamdaman ko. Kahit papaano ay sumaya ako.

"Halika na, ihahatid na kita pauwi" dagdag pa niya. Tumango ako sa kanya at niyakap siya na parang totoong kuya. Iniuwi na niya ko. S'yempre konting interview muna dahil kay Mama. Pagkatapos nun ay nagpaalam na si Kuya Chris. Agad na rin akong humiga at nagpahinga. Ayoko munang umiyak dahil sa problema ko. Maya maya pa'y nakaramdam na din ako ng antok.

"Maeco, Sorry pero hindi kita gusto!" malamig ang tono ng boses ng taong nasa harap ko ngayon. Walang expression ang mga mata niya. Durog na durog na ang puso ko. Hindi ako makapagsalita man lamang. Pa'no?

"Please? 'Wag mo kong iwan Otto. Please..." pakiusap ko sa kanya atsaka hinawakan ang kanyang kamay. Agad niyang kinuha ulit ang kamay niya at dumating ang babaeng kasama niya kahapon. Aoko...

"Umalis na tayo, Miyuki" aya nito kay Kazuya atsaka tumingin sa akin.

"At pwede ba, 'wag mong tawaging 'otto' ang boyfriend ko?" singhal niya sa'kin. Parehas nila akong tinalikuran at iniwan akong nag-iisa.

"Hindi, Kazuya!! Please, don't leave me!!!" sigaw ko.

Nagising ako sa masamang panaginip na 'yon.

"Isang bangungot..." habol hininga kong bulong. Napaupo ako sa takot. Ngayon ko lang napansin na nanginginig pala ako. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko. Huminga ako ng malalim atsaka kumilos. Iniligo ko na lang ang nararamdaman ko. Nagbihis na rin ako at nag-ayos ng sarili. Bumaba ako para kumain.

"Oh, anak. Mabuti at gising ka na. Halika na at kumain" aya sa akin ni Mama. Pinilit kong ngumiti sa kanya. Dumiretso ako sa pag-upo at nagsimulang kumain. Para tuloy akong robot ngayon.

"Anak, kamusta kayo ni Kazuya?" halos mabilaukan ako sa sinabi ni Mama. Agad naman akong inabutan ni Mama ng tubig at pinainom.

"Anak, magdahan dahan ka lang kasi sa pagkain. Para ka laging patay gutom eh!" hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis kay Mama. Nang maaayos na 'ko ay nanatili akong tahimik at hindi sinagot ang tanong ni Mama.

"Anak, alam mo ba nung unang mapadpad ako dito? Wala ni isa mang gumagalaw. Parang sobrang tagal na nitong hindi napapanuod. Noon ko lamang naisip na wala na palang nais manood ngayon dahil sa sobrang dami nating makabagong teknolohiya" kwento ni Mama. Tumango na lang ako sa kanya at ipinagpatuloy ang pagkain.

"Tapos nakita ko 'yung si Kazuya. Nakangiti lang ito" napatigil ako sa pagkain sa parteng 'yon.

"Tapos nakita kong may nagdodrawing. Nagtago agad ako. Tapos nagbago ang mundong 'to nung mga oras na 'yun. Napuno ng ingay ng kasiyahan. Napakaganda lang pagmasdan. Gumagalaw sila at pati ang bagong drawing na babae" ngayon ko lang naalala na hindi na pala ulit ako nakapanuod ng kahit anong bagong release na movie nito dahil sa pagiging busy ko sa paghahanap ng trabaho.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now