Chapter Fourteen

21 5 0
                                    

Revelations
M

aeco Tachibana's POV

"Ehem. Akala ko ba pupuntahan mo 'yung Aokong 'yun?" asar ko sa kanya. Tumingin ito sa akin.

"Bakit, ayaw mo ba akong makasama at tinataboy mo na ako?" pagpapaawa niya. Goshhh!! Ang gwapo mga beh!! Tinawanan ko siya at hinawakan ang baba nito.

"Hindi naman sa gano'n" sagot ko. Hindi niya ako tiningnan at ibinalik ang ulo niya sa balikat ko. Inamoy amoy niya 'to. Addict 'ata ito! Nakadrugs!!!

"Oy" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

"Oy! Pansinin mo naman ako" tawag ko ulit sa kanya pero parang wala siyang naririnig.

"Ehmm? Galit ka ba?" tanong ko. Hindi na naman siya umimik. Confirmed. Galit nga siya.

[Furuya's POV: Kanina pa sila diyan ah. Hindi pa ba sila aalis? Nakakadiri na ang ginagawa nila eh!!]

"Si Furuya..." sagot niya na ikinabigla ko. Si Furuya? Ayyt. Oo nga! Ngayon ko lang napansing nandito nga pala si Furuya at nakaupo roon. Napatingin ako sa dako niya at nakita ko itong boring na boring sa panonood sa'min.

"Oh, anong meron kay Furuya?" tanong ko.

"Kanina pa siya d'yan nakatingin. Hindi mo ba nakikita?" pamimilosopong sagot niya sa'kin.

"Nakikita ko. Eh ano? Anong gusto mong gawin ko?" sarkastikong tanong ko sa kanya. As if naman na may magagawa ako di'ba?

"Alis na tayo dito" aya niya sa'kin.

"Eh? Di'ba may practice pa kayo?" kontra ko sa kanya.

"Ayaw mo ba talagang makasama ako?" tanong niya. Napatawa ako sa isip ko. As if naman na ayaw ko.

"S'yempre gusto! Pero gusto ko ring mas gumaling ka pa! Para naman manalo ang team niyo" sagot ko sa kanya. Umalis ito sa pagkakapatong at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"Alam mo ba si Aoko, ayaw niya na magpractice ako ng sobra tapos ikaw?" nainis ako sa sinabi niya. Tinaasan ko kaagad siya ng kilay.

"Edi kung gusto mo, dun ka na! Madali lang naman akong kausap!" singhal ko sa kanya. Ngumiti siya na mas lalo ko pang ikinainis.

"Ano?!! Ba't pangiti ngiti ka pa d'yan?!!" sigaw ko sa kanya.

[Furuya's POV: Love birds quarrel!!! Uh oh?! Pero mukhang masaya 'to!!! (⌒o⌒)]

"Wala. Masaya lang ako na hindi ka katulad niya. Masaya ako na alam mo ang gusto ko. Masaya ako na hindi mo ko pinagbabawalan" naoverwhelm ako sa sinabi niya. So, isa 'tong test? Damn it!! Hinawakan ko ang batok niya at inilapit siya sa'kin. Pinagdikit ko ang mga noo namin.

"S'yempre, no one will love you eh! Atsaka, ikaw ang catcher ko. Wala akong pakialam kahit balde balde pang pawis ang ilabas mo kapag naglalaro ka basta manalo ka lang. Wala rin akong pakialam kahit na sobra kang mapagod basta manalo ka lang. Alam kong higit sa kanino pa man sa team niyo, ikaw ang pinakanaghahangad ng pagkapanalo. Kapag nagkapawis ka, after ng laro ako pa mismo ang magpupunas sa'yo. Kapag napagod ka after ng laro, ako pa mismo ang magpaparelax sa'yo basta manalo ka lang. Basta siguraduhin mo lang na hindi ka magkakasakit after nun dahil..." paliwanag ko at isa isang pinatunog ang mga daliri ko.

"Lagot ka sa akin 'pag nangyari 'yon" pananakot ko sa kanya. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Ang swerte ko talaga sa'yo" puri niya na ikinapula ko.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now