Chapter Twenty

27 3 0
                                    

Knowing
M

aeco Tachibana's POV

Nagising ako sa sakit ng aking katawan.

"Bessy, 'wag ka munang bumangon. Magpahinga ka muna" bungad sa akin ni Aiko habang nakapamaywang.

"Pero team manager ako" pagkontra ko.

"Nah-uh! Ako nang bahala kay Coach. At isa pa, bilin din ito sa'kin ni Tita kaya bawal" pailing iling niyang sabi kaya't wala akong nagawa kundi ang mapabuntong hininga na lang.

"Okay pero pwede mo bang papuntahin dito si Kazuya pagkatapos ng practice?" pakiusap ko.

"Ahhmmm. Okay. Siya nga pala, nandito si Tita. Siya raw mag-aalaga sa'yo. 'Wag ka na lang daw munang bumangon" paalala niya bago kumaway at nagpaalam.

"Babush" pagpapaalam niya. Nginitian ko na lang siya at nagwave back. Sinarado niya ang pinto at umalis. Samantalang ako, nandito lang sa kama at nakahiga. Nakakabagot. Tiningnan ko ang sarili ko. Puno ng bandages. Ano ba 'yan?!

*TOK* *TOK* *TOK*

Nagulat ako nang may biglang kumatok.

"Pasok" sigaw ko at iniluwa noon si Mama na may dalang agahan.

"Breakfast in bed" pakantang saad niya at kinindatan pa ako. Baliw talaga itong nanay ko. Napatawa na lang ako sa kanya. Inilapag niya sa study table ang pagkain at lumapit sa akin. Nabigla ako nang tuktokan niya ko sa ulo.

"Ikaw talagang bata ka!! Tingnan mo iyang ginawa mo sa katawan mo!!" siyempre! Alangan naman 'di niya ako pagalitan di'ba? Pero nagulat ako nang yakapin niya ako.

"Pero, I'm so proud of you" malambing na sabi niya na ikinangiti ko. Niyakap ko naman siya pabalik.

"Ma, gutom na ako" pagsira ko sa kadramahan namin. Hinampas ako ni Mama sa balikat.

"Itong batang ito. Heto na" saad niya at iniabot sa'kin ang pagkain. Tinawanan ko lang si Mama at nagsimulang kumain.

"O sige na. Magpahinga ka muna dito ah" paalala niya at umalis. Parehas talaga sila ni Aiko. Masyadong praning kung mag-alala. HAHAHAHA. Pero, ang swerte ko sa kanila ah.

Aiko Uzumaki's POV

Nagtatakbo akong pumuntang field ng hindi ko napansing may nakabunggo sa'kin na naging dahilan upang napaupo ako sa lupa. Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay niya. Tumingala ako para tingnan kung sino siya. Si-si-si si Señior Chris?!!!

"Ayos ka lang ba?" tanong niya. Omy. Omy. Tumango ako sa kanya at kinuha ang kamay niya. Shemmms. Super lambot guysss. Tinulungan niya akong makatayo.

"Sorry it's my fault" paghingi niya ng pasensya. Nikikilig ako. Tumango na lang ako para walang issue. Baka mamaya, kung ano pang masabi ko.

"Ahmm. Si Miyuki?" tanong ko na nagpablack aura sa kanya. Napa-gulp na lang me.

"Anong kailangan mo sa kanya? Hindi ko hahayaang sirain mo ang relasyon nilang dalawa ni Maeco" pagbabanta niya. Inirapan ko siya. Kahit crush ko ito, aba, hindi ako papatalo.

"Pwede ba? Alam mo, nagbago na ako and kami ni Maeco? We're friends. Hinahanap ko si Miyuki para sabihing puntahan si Maeco sa bahay ko kasi may sakit siya" I almost shouted him.

"Paano ako nakakasiguro?" 'di niya kuntentong tanong. Ang kulittt!!!

"Kasi nga hindi ko na gusto si Miyuki" sagot ko.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum