Chapter Fifteen

22 4 0
                                    

Officially
M

aeco Tachibana's POV

Niyaya na rin ako ni Kazuya na umuwi.

"Let's go home?" tanong niya. Tumango na lang ako sa kanya at nagsimula kaming maglakad. He's holding my hand. Tightly and warmly. Kung kaya't napangiti na lang ako.

"Ehmm. Kazuya?" tawag ko sa kanya.

"Hmm? But before you ask me a question. Can you please give me some loving? Call me, Otto" utos niya. Napairap na lang ako sa hangin.

"Okay, Otto!" sagot ko.

"That sounds nice" puri niya. Tsk. Ang lalaking ito talaga.

"Otto, pwede ba muna tayong dumaan sa bahay namin. Magagalit na naman sa'kin si Mama 'pag 'di ako nagpaalam sa kanya eh" pakiusap ko sa kanya.

"You have a mom?" takang tanong niya.

"Aba'y siyempre. Edi sana kung wala akong nanay, wala rin ako ngayon di'ba?" pilosopa kong sagot. Pinisil na naman niya ang ilong ko.

"That's not my point. I mean, kasasabi mo lang na hindi ka taga rito di'ba? Ibig sabihin din ba no'n kasama mo ang nanay mo na pumasok rito?" tanong niya. Aisshhh. Nakalimutan kong sabihin sa kanya.

"Hindi. Mas nauna pa siya sa akin rito. Naging test subject din siya katulad ko at... " Ikinuwento ko na nga sa kanya lahat lahat.

"Ahhh" tanging kumento niya matapos kong magsayang ng laway sa kakukwento. Tinuktukan ko siya.

"Para saan 'yon?" takang tanong niya.

"Isipin mo!" inis kong sagot sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa bahay namin ng siya ay isip pa rin nang isip. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa katangahan niya eh.

"Suko na ako. Hindi ko alam" pagsuko niya. I give him a smirk before answering.

"Tama na 'yan. Mamaya ko na lang sasabihin sa'yo. Andito na tayo sa bahay namin. Pinapaalalahanan lang kita ah. Si Mama may pagka-amazona 'yon kaya umayos ka kung ayaw mong malintikan do'n" paalala ko sa kanya.

"Parang ikaw?" tanong niya.

"Oo!" pagsang-ayon ko. Tumawa lamang siya. Nang marealize ko ang sinabi ko ay agad ko itong binawi.

"Hindi pala! Iniisahan mo ko eh!" singhal ko sa kanya.

"Sorry na po" sagot niya.

"Tara na ngang pumasok" utos ko sa kanya. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Agad naman siyang sumunod sa'kin na animo'y buntot ko na. HAHAHA. Sinalubong kami ni Mama.

"Maeco, my dear. Buti naman at umuwi ka" bati sa akin ni Mama sabay halik sa pisngi ko.

"Pwede gawin mo rin 'yon sa akin?" bulong ni Kazuya. Kinurot ko siya sa tagiliran.

"Aray!! Nagbibiro lang eh" sagot niya.

"Who's this guy? Siya ba 'yon huh?" tanong sakin ni Mama. Tumango na lang ako sa kanya.

"Omy!!! Ang gwapo pala talaga niya" asar sa'kin ni Mama. Umirap na lang ako sa hangin at umupo sa sofa. Si Kazuya naman ay nakatayo lang do'n habang kinikilatis ni Mama.

"Ma, kina Kazuya ako matutulog mamaya ah" paalam ko na dahilan para tumingin siya sa'kin.

"Hay naku, Maeco! Kahit kelan talaga, napakapasaway mo" walang magawang sang-ayon ni Mama.

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now