Chapter Three

58 3 0
                                    

Hard Life
Maeco Tachibana's POV

"Nakauwi na po ako" magalang ngunit may pagod kong pagsalubong sa aking pag-uwi.

"Oh, ano? Ano nang nangyari sa job interview mo?! Wala na naman?! Hay naku! Buti na lang at 'di na ako umasa" bungad na pagpaparinig ng step-mom ko.

"As usual" paggatong pa nitong step-sister ko. Nako!! Kung hindi lang talaga ako mabait na tao ay! Gustong gusto ko na silang sakali pero kailangan kong kumalma.

Huminga ako ng malalim upang i-contain ang inis na nararamdaman ko sa dalwang ito.

"Nakauwi na 'ko!" halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses na 'yon.

'Yon ang boses ng aking ama...

"Mahal..." talanding pagbati ni step-mom. Tss. 

"Daddy! Buti na lang at nakauwi ka na. Pasalubong ko!" masayang pagsalubong ni Rin–step-sis ko sa aming ama.

Naalala ko tuloy dati nung buhay pa si Mama, gan'yan rin ako pero ngayon... hindi na mangyayari pang muli ang ganoon. I miss my Mama.

Dumiretso na ako sa hagdanan para pumasok sa kwarto. Bago pa ako tuluyang makapasok ay nakarinig na agad ako ng isang madiing boses.

"Maeco! Wala ka talagang galang. Kauuwi ko lang. Ni hindi mo man lang ako mabati!!" galit na sigaw ni Papa. Hindi ko na lang siya pinansin at dumiretso na lamang pasok.

"Maeco!!! Isa! 'Pag 'di ka bumaba dito, hindi ako papayag na kunin mo ang pera na iniwan ng nanay mo sa bangko" sigaw niya na may halong pagbabanta. Napairap ako ng matindi sa aking narinig.

Bwiset! Lagi na lang iyon ang pangblackmail niya.

"Sandali lang nga! Nagbibihis pa eh!" walang galang kong sagot.

Dati ko pa naman 'tong ginagawa sa kanya eh. Siguro nasanay na rin ako. Bumaba ako pagkatapos na magbihis ngunit hindi na ako nag-abala pang lumapit sa kanila at sa halip ay nanatiling may distansya sa mga ito.

Pinakatitigan ko silang maigi. They look like a whole family even without me so I don't bother them anymore instead I went to the living room and watch a movie.

"Maeco!" halos mapabalikwas ako sa pagkakaupo nang may nagsalita. Nilingon ko ito at nakita ang aking ama. Awtomatikong tumaas ang aking kilay nang makita siya.

"Anong kailangan mo?" may inis kong pagtatanong. Nagulat ako nang ilahad niya ang kamay niya at bumungad sa'kin ang isang parihabang kahon.

"Take it. It's my gift for my DAUGHTER" pakiramdam ko ay kumirot ang puso ko sa sinabi niya.

Para sa'kin? As if naman!

Tiningnan ko ang madrasta ko at si Rin. Nagbubulungan at mahahalata ang inggit at pagtataka sa kanilang mga mukha. Mas lalo lang akong naalibadbaran sa mga ito.

Ibinalik ko ang aking tingin sa aking ama at binigyan ito ng isang irap.

"Wow! So now, I'm your DAUGHTER? After so many years? Ang lakas naman ng loob mo. Hindi ko kailangan ng mga regalo mo, tandaan mo 'yan" galit kong tugon sabay pagtayo. Aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang aking kamay at pinigilan ako. Dahil doon ay matimtim ko siyang pinakatitigan.

"Maeco, anak kita. Ano bang dapat kong gawin para magtino ka? Hindi ka na nagbago" may galit at pag-aalala sa boses niya habang pinagsasabihan ako na animo ba'y isa talaga siyang ama. As if naman?

I'm in love with that fiction man (Miyuki Kazuya X Reader) [COMPLETED]Where stories live. Discover now